Why has Carla Abellana remained a loyal Kapuso?

IMAGE Noel Orsal

Carla Abellana on why she has remained a loyal Kapuso ever since she started her showbiz career: "Unang-una, hindi ko maibabalik sa GMA yung opportunity na ibinigay po nila sa akin. Yung kabaitan, yung trust, with the many beautiful projects also entrusted to me. And ang hirap lang hong i-picture yung sarili ko somewhere else, parang ganun."


Walong taon na sa Carla Abellana sa GMA-7.

Ini-launch siya ng GMA Network noong 2009 sa Philippine adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda.

Sinundan ito ng iba pang mga shows na pinagbidahan niya, tulad ng The Last Prince, Ilumina, Magic Palayok, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Legacy, Makapiling Kang Muli, My Husband's Lover, Ismol Family, My Destiny, Pari 'Koy, Dangwa, Because of You, Dear Uge, Juan Happy Lover Story, Karelasyon, Mulawin Vs. Ravena at I Heart Davao. 

Ano nga ba ang dahil kung bakit naging loyal Kapuso si Carla?

“Wow! Kasi siguro kasi po iba yung…

“Unang-una, hindi ko maibabalik sa GMA yung opportunity na ibinigay po nila sa akin.

“Yung kabaitan, yung trust, with the many beautiful projects also entrusted to me.

“Parang ang hirap pong… hindi naman sa talikuran or what, pero parang siyempre with opportunities like that, loyalty na lang ang ibabalik mo sa kanila.

“And ang hirap lang hong i-picture yung sarili ko somewhere else, parang ganun.

“Tsaka the atmosphere itself, napakabait lahat—the staff, mga artista.

“Kung tutuusin, parang ang liit lang naman talaga ng network, e.

“Madaming artista, madaming employees, madaming staff, pero kung tutuusin, konti lang, e.

“Tsaka very tight, tapos iyon, lahat mabait.

“So iyon yung parang ayaw ko pong mawala,” diin niya.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla nitong nakaraang Miyerkules, September 27, sa taping ng Magpakailanman sa Angelicum College sa Quezon City.

Ito ay ang taping nila para sa Magpakailanman episode na pinamagatang "My Unlawful Husband."

Kasama ni Carla sa naturang episode sina Lotlot de Leon, Neil Ryan Sese at Mon Confiado.

Mapapanood ngayong Sabado ng gabi, ito ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

ON NETWORK-HOPPING STARS. Wala namang masasabing anumang negatibo si Carla sa mga artistang lumilipat o nangingibang bakod ng istasyon.

Pahayag niya, “Well, that’s okay, perfectly fine, understandable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi unang-una, trabaho siya, so wala naman hong problema kung talagang kinailangan nilang lumipat.

“If they really believe that it’s best for them, kung mas mabibigyan sila ng opportunities doon, no problem.

“Kasi kahit papaano, nakikita naman ng kahit sino na, ‘Ay, oo nga, good decision!’

“Na mas nabigyan siya ng opportunity sa ibang network, so whatever naman they believe is best for them, okay yun siyempre.

“Siyempre, you know, work is work.

“Kailangan talagang maghabol ng kung saan po merong work na maibibigay talaga sa iyo.”

DREAM ROLE. Samantala, sa tanong kung ano ang dream role ni Carla, sagot niya, “Siguro maging kontrabida!”

Hindi pa raw siya nakaganap bilang kontrabida sa kahit na anong proyekto, mapa-telebisyon o pelikula.

Lahad niya, “Never pa.

“Parang challenging siya, kasi mahirap maging kontrabida.

“Pero hindi po kasi ako hasa [sa kontrabida roles] so kailangang... parang gusto ko pong i-explore.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN