Wally Bayola on Alden and Maine: "Nagtatampuhan sila, pero kapag nagkabati, parang mas lalong nagiging close."

IMAGE Rose Garcia

Wally Bayola (middle) names ABS-CBN star he wants to feature as guest in The Lolas' Beautiful Show. Wally's co-hosts in GMA-7's morning talk show are Paolo Ballesteros (left) and Jose Manalo. 


“Sabi nga ng iba, blessing!” ang naka-in character na reaksyon ni Wally Bayola bilang si Lola Nidora tungkol sa kanilang GMA-7 morning talk show, ang The Lolas' Beautiful Show.

Nakausap si Wally at ang dalawa pang “lolas” na sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa Shooting Gallery, sa Makati City, noong October 4.

Nakilala ang tatlong lola sa "Kalyeserye" segment ng noontime show na Eat Bulaga! Naisip ba nila na mabibigyan ng sariling show ang kanilang mga karakter?

“Ang akala namin Kalyeserye tapos hanggang bobble head lang,” saad ni Wally.

Ang bobble head ay customized dolls na miniature versions ng mga Kalyeserye characters.   

May challenge pa ba sa kanila ang mag-host ng morning talk show tulad ng The Lolas' Beautiful Show?

“Parang wala naman ngang masyado. Parang nasanay na rin kami dun sa 'Sugod Bahay' na may kinakausap. Kumbaga, parang yung mga lolas, napunta sa isang village na mga artista ang nakatira.

“Maya-maya, ay, may kapitabahay pala tayo na matsi-chika.”

Ang kaibahan nga lang daw ngayon, mga celebrities na ang kinakausap nila.

Nang tanungin namin sila kung sino ang “dream guest” nila sa show na makausap at ma-interview, si Piolo Pascual ang sinabi ni Paolo, samantalang pareho naman ang naging sagot ni Wally at Jose.

Ayon kay Wally, “Ako naman, kung papayag, e, kung puwede at kung pagbibigyan tayo, yung Tito, Vic and Joey.”

Ang tinutukoy niya ay ang TVJ triumvirate nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Anong itatanong ni Wally?

“Ay, itatanong ko kung bakit hanggang ngayon e, love na love pa rin sila ng mga masa. Ano ang secret nila?”

Sigurado naman daw na maggi-guest din sa show nila sina Alden Richards at Maine Mendoza. Sa palagay ba nila, nasa isang relasyon na ang AlDub love team?

“E, sabi ko nga, sa Bulaga, nagtatampuhan sila, pero kapag nagkabati, parang mas lalong nagiging close.”

Paano sila magtampuhan?

“Wala lang, maya-maya hindi na mag-uusap. Maya-maya nagkukuwentuhan na. Tipong ano lang, parang pa-tweetums na tampo.”

Ayon kay Wally, kinabahan din sila nang malamang bigla na magkakaroon sila ng morning talk show at na sila ang pumalit sa Trops na umere nang 11 months sa GMA-7.

“Yun nga, sa una parang sinabi namin na kinabahan kami. Pero nakita naman namin na magagaling yung mga writers, researchers, talagang hindi kami pababayaan, naging kumportable na kami.

“Yung challenge na iniisip namin, wala namang dapat i-challenge.”

Nagkakapikunan ba silang tatlo?

“Wala, kasi kumbaga, kapag hindi kami naka-Lola—Jose, Paolo, ako," sagot ni Wally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago pa kami dumating sa ano na—although wala naman talagang ganun na mag-aaway-away—si Jose na ang nag-a-advise palagi na ganito ‘yan, ganito. Siya na ang saway nang saway sa amin.”

Ano ang wish nila para sa The Lolas' Beautiful Show?

“Ang objective lang namin dito ay makapaghatid ng good vibes sa umaga. Maging positive ang umaga. Chikahan lang for life. Magbigay lang ng beautiful show, good vibes sa lahat every morning,” ani Wally.


Stories We Are Tracking

How did <em>The Lolas' Beautiful Show</em> pilot fare in AGB ratings?
How did The Lolas' Beautiful Show pilot fare in AGB ratings?
<em>The Lolas' Beautiful Show</em> replaces <em>Trops</em> after 11 months
The Lolas' Beautiful Show replaces Trops after 11 months

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN