Here's why Heart Evangelista cried at My Korean Jagiya mall show

My Korean Jagiya stars (L-R) Divine Aucina, Alexander Lee, Heart Evangelista, and Iya Villania attended the MassKara Festival in Bacolod. 



Naging emosyonal at umiyak si Heart Evangelista dahil sa sobrang daming tao na nanood sa kanilang My Korean Jagiya mall show sa SM City Bacolod noong October 22.

Kahit sanay na siya sa ganitong sitwasyon, naantig ang puso ni Heart sa nakakabinging sigawan, hiyawan, at tilian ng mga fans nila.

Ayon sa GMA-7 actress, talagang nasulit ang pagbisita nila sa Bacolod dahil ang daming nanood.

Talaga raw mainit ang naging pagtanggap ng mga Bacolenos sa kanya at mga co-stars niya sa Kapuso prime-time show.

Kasama ni Heart ang My Korean Jagiya co-stars niyang sina Alexander Lee, Divine Aucina, at Iya Villania sa SM City Bacolod para sa taunang selebrasyon ng MassKara Festival.

Ayon kay Heart, "As artists, when we tape, we are living in a bubble working and doing our best for people who watch our show. Last night was a surprise for me because never in my wildest dreams did I think we would be able to capture the hearts of so many people!

“Each time Xander and I would look at each other and hug, the crowd would go wild! It was just magical! Still overwhelmed and moved by the whole thing. Our eyes were flowing with tears backstage.

“We will never forget the love we felt.”

Samantala, sa taping nila ng My Korean Jagiya kamakailan ay ikinuwento ni Heart na natupad na sa wakas ang pangarap ni Alexander na makasakay ng jeep.

Noon pa raw binabalak ni Alexander na makasakay ng jeep kaya nang nangyari ito sa taping ay hindi makapaniwala at tuwang-tuwa ang kanyang Korean leading man, ayon pa rin kay Heart.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Heart ng photo niya at ni Alexander na nakasakay ng jeep. Sinulat ni Heart sa caption: "Jagiyas, where to next? Pupuntahan namin kayo! Hintayin niyo lang kami ha! #MyKoreanJagiya"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jagiyas, where to next? Pupuntahan namin kayo! Hintayin niyo lang kami ha! ?? #MyKoreanJagiya

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN