Sylvia Sanchez and Arjo Atayde team up anew for new ABS-CBN teleserye

IMAGE Glen Sibonga

Real-life mother and son tandem Sylvia Sanchez and Arjo Atayde are excited to team up once more in ABS-CBN's latest teleserye with the working title, All That Matters. Their last project together was the top-rating primetime soap, Pure Love.


Dream come true para sa mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde na magsama sila sa bagong Kapamilya teleseryeng pinagbibidahan nila na may working title na All That Matters.

Sa ilalim ng GMO unit ni Ms. Ginny Monteagudo Ocampo, mapapanood ito soon sa ABS-CBN pero wala pang inanunsiyong timeslot at airing date nito.

Nagkasama na sila noon sa dating ABS-CBN teleseryeng Pure Love na pinagbidahan nina Alex Gonzaga, Joseph Marco at Arjo, pero naging guest lang doon si Sylvia.

Dito sa bagong teleserye ay mapapanood sila sa kabuuan nito sa pagganap nila bilang mag-nanay na Sonia at Paco.

Ayon kay Sylvia, “Sabay sa aming inalok ito.

“Noong nalaman naming mag-ina parang, ‘Wow! Dream come true for me.'”

Pinag-usapan daw nila kung tatanggapin nila ang proyektong ito.

Ano naman ang naging konsiderasyon nila para gawin ang teleseryeng ito?

“It’s more of anong roles, actually more of that e, ano yung depth ng roles,” ani Arjo.

Dagdag ni Sylvia, “Yun lang, kung ano yung magiging roles namin, ano yung koneksyon, ano yung relationship.

“Siyempre yung istorya, kung makakapamulat ba kami ng mga bata ngayon about sa family.

“Kasi importante sa akin yung makakapaghatid kami ng magagandang aral sa mga bata, sa pamilya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang press sina Sylvia at Arjo sa media announcement ng kanilang teleserye noong Sabado, November 4, sa Studio 8 sa loob ng ABS-CBN compound.

Nakasama nila sa media announcement ang iba pang cast members na sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, Ces Quesada, Arnold Reyes, Junjun Quintana, Viveka Ravanes, at Rubi Rubi.

Humabol naman sa pictorial nila pagkatapos ng media announcement sina Sue Ramirez at Sharmaine Suarez.

Kasama rin sa cast sina Rommel Padilla at Nanding Josef.

PRESSURE. May pressure ba para kina Sylvia at Arjo lalo na’t galing sila sa very successful at memorable portrayals ng kanilang roles sa pinanggalingan nilang mga teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sylvia ay gumanap bilang si Gloria sa The Greatest Love, habang si Arjo naman ay kasama sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sagot ni Sylvia, “Ako, nape-pressure ako sobra-sobra.

“Coming from Gloria, yung The Greatest Love, siyempre yung expectation mataas, 'eto ngayon bago si Sonia.

“Pero sabi ko nga, ibinigay sa akin ito ng Diyos, ibabalik ko lang ito sa Kanya.

“Dasal lang ito, kaya ito!”

Ayon naman kay Arjo, “Me, I prefer to disregard the pressure.

“Kasi in the first place, we trust ABS, so whatever the management gives us, we’ll accept especially if they request us for the project.

“And at the same time, I’m always doing my best, I’m at my best at all times, I make sure of that.

“If my best is not good enough for the role or something, then let me know.

“I think GMO unit and ABS, hindi naman ako papayagan na magkagulu-gulo doon sa character, mawala yung focus ko.

“And I’ll make sure and promise to people na for this privilege, for this blessing, I will give my 200 percent, even more.”

DIFFERENCE FROM THEIR PREVIOUS ROLES. Malaki at malakas ang naging impact ng dating role ni Sylvia na Gloria sa The Greatest Love bilang isang inang may Alzheimer’s disease na gustong buuin ang kanyang nagkawatak-watak na pamilya.

Dahil nga sa role niyang ito ay nakatanggap ng maraming parangal bilang best actress si Sylvia sa iba’t ibang award-giving bodies.

Kabilang na rito ang pagtanghal sa kanya na Teleserye Actress of the Year sa The PEP List Year 4.

Sa tingin ni Sylvia, ano naman ang impact na maibibigay ng role niyang Sonia sa bagong teleserye?

Paliwanag niya, “Ipapakita ko naman dito ang iba pang mukha ng pagiging isang ina.

“Kung hanggang saan niya kayang magsakripisyo at kung ano ang kaya niyang gawin para sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko pagbasa ko ng script, ang laki ng impact nito para sa lahat.

“Kasi si Gloria, nakuha automatically yung simpatiya [ng mga tao] dahil binabastos ng anak, di ba?

“Mahal siya ng anak, mayroong nambabastos, tapos may Alzheimer’s.

“While si Sonia, palaban kasi si Sonia, e.

“At si Sonia, puwedeng mag-create ng argument sa bawat isa, puwedeng kakampi kita o hindi kita kakampi.

“Iintindihin mo kung bakit ginawa ni Sonia yung ginawa niya, and naniniwala ako na mayroon ganun klaseng magulang.

“Kung ako yung tatanungin niyo kung kaya ko yung ginawa ni Sonia, yes, basta para sa anak ko hindi ako magdadalawang-isip.

“Ang pinag-uusapan dito anak ko, bukas ko na iisipin kung ano ang resulta, basta ang importante yung ngayon which is yun ang nangyayari.

“So, ibang anggulo, ibang sakripisyo, ibang klaseng ina ang ipapakita rito, and I think malakas na naman ito bilang nangyayari ito sa mga magulang.”

Gagampanan naman ni Arjo ang role ni Paco, isa sa dalawang anak ni Sonia.

Gagampanan ni Yves Flores ang papel bilang isa pang anak ni Sylvia.

Ayon kay Arjo, ibang-iba raw ito sa kontrabida role niyang si Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano at maging sa iba pa niyang ginampanang roles noon.

Aniya, “After six years, masasabi ko na mabait naman ako sa isang teleserye.

“Being the first time, challenging siya, of course, it’s a new genre for me.

“Coming from all kontrabida, it’s gonna be different because I’m working with really good artists.

“And I’m looking forward sa mga future naming journeys as a family and sa pagdaan sa process ng characters namin.

“And working with my mom is really fun and interesting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN