Paolo Ballesteros picks ABS-CBN actor as dream guest in GMA-7 talk show

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros (in photo) wants ABS-CBN actor Piolo Pascual to guest in their talk show, The Lolas' Beautiful Show.



Mula sa pagiging characters sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! ay tumawid na sa pagkakaroon ng full solo show sina Jose Manalo (as Lola Tinidora), Wally Bayola (as Lola Nidora), at Paolo Ballesteros (as Lola Tidora).

Ito ay ang The Lolas’ Beautiful Show, nagsimulang umere noong Setyembre.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng media si Paolo Ballesteros nang bumisita kami sa set ng The Lolas' Beautiful Show sa Shooting Gallery Studios noong Sabado, November 4.

“Sa amin pagod kasi matatanda na kami, di ba,” biro ni Paolo na in-character bilang si Lola Tidora.

“Pero gusto namin ito para happy!”

Hindi raw nila inakala na mula sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! ay magkakaroon sila ng bukod na show  na sila lamang tatlo ang hosts.

“Itong character namin hindi naman ito pinagplanuhan, e. Sumulpot lang.

“Tapos hindi rin namin alam na mae-enjoy namin.”

Ano ang challenge sa kanila sa The Lolas’ Beautiful Show?

“Wala naman. Ang kaibahan lang, mga stars kasi nga mga artista yung nakakausap namin.”

May dream guest ba si Paolo/Lola Tidora sa kanilang show?

“Si Piolo Pascual, kasi mabait na bata 'ata iyon, e!”

Ano ang itatanong niya kay Piolo?

“Anong number mo?" sagot ni Paolo sabay tawa.

Wala ba siyang number talaga ni Piolo o naiwala lang niya?

“Hindi na siya nagte-text! Eme [kiyeme],” pagbibiro pa ni Paolo.

Patuloy naman daw ang magandang samahan nina Paolo, Jose, at Wally. 

May pinag-aawayan ba sila?

“Wala, wala naman. Panay biruan lang.”

Breaking from his character, kinuwento ni Paolo na may isang guest sila sa The Lolas’ Beautiful Show na na-starstruck siya.

Ito ay kay Superstar Nora Aunor.

“First time ko kasi siya na nakausap nang ganun, pero nakikita ko siya sa labas, minsan nai-introduce, minsan nakikita ko siya sa restaurant, ganun,” sinabi ni Paolo.

May impluwensiya ba ang tunay niyang lola sa pagiging Lola Tidora niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin naman kasi ang lagi kong pinaghuhugutan since galing ako sa probinsiya, yung mga ugaling probinsiya.”

Taga-Cabanatuan sa Nueva Ecija si Paolo.

Dahil talk show ang The Lolas’ Beautiful Show, sila na ba ang mga bagong “queens of talk”?

“Lolas of talk!”

Kailan naramdaman ni Paolo na masuwerte siya sa career?

“Noon pa lang naging regular na ako sa Eat Bulaga!”

Sixteen years nang Dabarkads sa Eat Bulaga! si Paolo.

Ano ang nabago sa buhay niya ng pagiging mainstay ng Eat Bulaga! o ng pagiging Lola Tidora niya?

“Bahay, raket!”

Hindi naman daw sila nape-pressure na malampasan ang mataas na ratings ng Trops, ang show na pinalitan nila sa timeslot.

“Basta kami kasi enjoy-enjoy lang.”

Napapanood ang The Lolas’ Beautiful Show (bago ang Eat Bulaga!) mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. sa GMA-7.

TWO MOVIES. Magkasunod na linggo ang playdate ng dalawang pelikula ni Paolo.

Nakatakdang ipalabas ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies (ng APT Entertainment Inc.) sa November 22.

Sa November 29 naman ang showing ng Barbi D’ Wonder Beki mula sa OctoArts Films, T-Rex Entertainment, at MZet Productions.

Tinanong namin si Paolo kung hindi ba siya takot sa overexposure.

Sagot ng 34-year-old actor-TV host, “Hindi naman, kasi iba-iba naman ang mapapanood sa akin ng mga tao, kaya keri lang.

“Habang may trabaho na dumarating, sige lang, masamang tumanggi sa grasya.”



Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros describes difficulties of doing two movies
Paolo Ballesteros describes difficulties of doing two movies






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN