Mel Tiangco picks most gruesome Magpakailanman episode she describes as "medyo kadiri"

IMAGE Noel Orsal

Mel Tiangco on her favorite Magpakailanman episodes: "I like stories na may kino-convey sa mga televiewers. In short hindi lang sa nagagandahan sila sa istorya. May napupulot silang aral."



Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mel Tiangco sa 5th anniversary presscon ng Magpakailanman, ang drama anthology show na siya ang host.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network noong November 14.

Buong buwan ang celebration ng 5th anniversary ng Magpakailanman na sinimulan sa kuwento ng Lagdamat sisters na pinamagatang "BSF: Best Sisters Forever, The Lagdamat Sisters Story.”

Pinagbidahan ito nina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Sheena Halili, at Sanya Lopez.

Ipinalabas ito sa GMA-7 noong November 4 sa direksyon ni Gil Tejada. Jr.

Nitong nakaraang Sabado, November 11, ipinalabas naman ang epic at romantic love story ng isang American sailor at ng kanyang kasambahay.

Sa direksyon ni Joel Lamangan, ang episode na "My Heart Belongs to You: The Bud and Gloria Brown Story" ay pinagbidahan nina Ivan Dorschner at Denise Barbacena.

Sa buwang ito ng Nobyembre ay mapapanood rin sa Magpakailanman ang real-life stories nina Azramie “Ramram” Cabugatan, at ng Marawi Suicide Squad soldier na si PFC Jomille Pavia.

Ang "Isang Bata, Dalawang Ina" episode ay tungkol sa isang bata na nawalay sa kanyang mga magulang pero makalipas ang pitong taon ay muling natagpuan ng kanyang ina na si Rohaniza “Hani” Abdul Jabbar Cabugatan.

Tampok dito sina Yasmien Kurdi at Sharmaine Arnaiz sa direksyon ni Gina Alajar.

Bilang finale anniversary episode, sa November 25 ay mapapanood ang "Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo" episode.

Ito ay tungkol sa isang magiting na sundalong ipinadala sa Marawi at nakaligtas sa kaguluhan.

Nakapagligtas rin siya ng maraming buhay ng mga sibilyan tulad ng isang matandang babae na nakulong sa bahay nito.

Pagbibidahan ito ni Alden Richards sa direksyon ni Mark dela Cruz.

Sa limang taon ng Magpakailanman—na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA—ano ang episode na hindi makakalimutan ni Ms. Mel?

“Ay, marami! Maraming-marami. Teka, ha?

“Hindi ko makakalimutan yung episode na… medyo kadiri, e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung episode namin na yung misis niya kinain yung anak nila!

“Hindi ako yung taong mahilig sa mga horror, ha?

"Kaya lang ito, kaya ko nagustuhan because I told myself it will convey now to my televiewers na itong mga ganito lalo na kasi sa probinsya.

“Sa probinsya pagka nagkaganyan ka, medyo kakaiba kang kumilos, sasabihin sa iyo kinukulam ka. Di ba? Sa probinsya.

“Itong istoryang ito sinabi that this woman suffered from a psychiatric condition.

“So parang gusto kong iparating sa tao na ito ay isang disease, pag ikaw ay tao na hindi ka normal kumilos, magpatingin ka sa doktor.

“Hindi yung ia-albularyo ka, hindi ganun.

“I like stories like that, e, na may kino-convey sa mga televiewers.

“In short, hindi lang sa nagagandahan sila sa istorya.

"May napupulot silang aral, may matututunan silang aral.

“Parang nakukumpleto yung fulfillment ko, e.”

Kung sakaling gagawin ang buhay niya sa Magpakailanman, papayag ba siya at sino ang pipillin niyang aktres na gumanap bilang Mel Tiangco?

“Hindi pa pinapanganak yung gaganap sa akin,” sagot ni Ms. Mel sabay tawa.

Hindi na lang raw siya papayag na isadula sa Magpakailanman ang life story niya.

“I don’t think so, maybe not. Corny, corny.”

Hindi ba makulay ang buhay niya?

“Hindi nga, e. Wala nga, e. Pag naging makulay.”

Hindi rin daw siya papasok sa pultika.

“Ay hinding-hinding-hinding-hindi! Hindi, hindi, hindi,” ang bulalas na sagot ni Ms. Mel.

Ano ang dahilan kung bakit ayaw niya?

“Alam mo natatakot ako baka mag-iba yung pagkatao ko. Sa totoo lang.

“Kasi iba ang politics, e. Iba ang politics sa public service na nagagawa ko, e.”

Ito ba ay dahil baka kainin siya ng sistema?

“Iyon, that’s correct. Baka ganun ang mangyari sa iyo, di ba?

“Well that’s just one. Another is, I do public service and with the support of GMA, napakadali, wala akong red tape, e!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ms. Mel ang namumuno sa GMA Kapuso Foundation na nagbibigay ng tulong at serbisyo sa publikong nangangailangan.

“Pag gusto kong ano, puwede, sige na! Gagawin na namin agad, e. Go!

“Di ba?

“Hindi na yung marami pang anu-ano. So parang…

“In short, masaya ako sa buhay ko!

“Sa GMA Network, sa Magpakailanman, sa 24 Oras, masaya ako.”

Ayaw na raw niyang maging magulo ang buhay niya.

“Bakit gusto ko pang maglagay ng baka maaaring manggulo pa sa akin, di ba?”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN