Alden opens up about playing Marawi soldier; Mel Tiangco thanks Alden for accepting role

IMAGE Noel Orsal (Mel)

Alden Richards plays Marawi Suicide Squad soldier Jomille Pavia in Magpakailanman, which is hosted by Mel Tiangco (left).




Si Alden Richards ang bida sa upcoming Magpakailanman episode titled "Kuwentong Marawi Sa Mata ng Isang Sundalo: The Jomille Pavia Story."

Ito ay kuwento ng Marawi Suicide Squad soldier na si Private First Class Jomille Pavia na gagampanan ni Alden.

Bilang finale anniversary episode for November ay mapapanood ang tungkol sa isang magiting na sundalo na ipinadala sa Marawi at nakapagligtas ng maraming buhay ng mga civilian tulad ng isang matandang babae na nakulong sa bahay nito.

Sa ilalim ng direksyon ni Mark dela Cruz, ang episode ay tampok rin sina Ervic Vijandre (as Lt. Estrillanes) at Phytos Ramirez (as Capt. dela Cruz).

Kamusta ang pagganap niya bilang sundalo sa Magpakailanman?

"First, I was honored to play the part of a soldier," ang sabi ni Alden sa interview na ginanap sa November 24 endorsement press con niya.

"At the same time, I was a bit sad na I never knew... lingid sa kaalaman ko na ganito pala ang nae-experience ng mga kababayan nating mga sundalo sa war zone for the sake of...to protect the people, to protect the country.

"Ang hirap. Ramdam ko yung bigat ng character. Ramdam ko yung bigat ng mga nararanasan ng mga sundalo kaya hindi na ako nahirapan na i-arte.

"Kasi pinapakinggan ko pa lang yung mga experiences nila, nakaka-affect na sila sa akin."

THANKFUL TO ALDEN. Para naman sa Magpakailanman host na si Mel Tiangco, malaki ang pasasalamat niya kay Alden at pumayag ito na gawin ang role na ito.

Aniya tungkol kay Alden, "Sa kanya nanggaling ’yong kanaisan na gumanap bilang isang sundalo. Gusto niyang bigyang pugay ang mga kasundaluhan natin. Kaya niya ginawa ’yon. So napakalaking pagkakataon para sa Magpakailanman na siya ang gaganap dito sa sundalong ito.”

Ito naman ang kuwento ni Mel tungkol sa episode ng Magpakailanman na mapapanood sa Sabado, November 25.

“Magkakaroon kami ng kuwento tungkol sa sundalo sa Marawi, and this guy continued to fight despite yung mga tama niya ng bala, may tama na siya noon ng bala.

“So nandun yung pagmamahal mo sa bansa mo, di ba?

“Andudun ka na, e, yung pagkakataon na ipagtanggol mo ang mga kababayan mo, ipagtanggol mo ang bansa mo, yung pagmamahal na iyon, iyong klaseng pagmamahal na iyon ipe-feature namin iyan.”

Nakausap namin si Mel kamakailan sa 5th anniversary presscon ng Magpakailanman kung saan siya ang host.

Tinanong naman ang TV host kung may say siya sa pagpili ng mga kuwentong ipapalabas sa Magpakailanman, kung nasa approving end siya sa pagpili ng mg istorya.

“No, not the approving end but many times they tell me about the stories, you know and many times also I give my two-cents worth about what looks good to me and what is not.

“And I also suggest stories, alam niyo naman na I am with the GMA Kapuso Foundation, doon talagang parang pabrika ng kuwento ng mga tao talaga!

“Lahat ng klase ng emosyon, ng damdamin, lahat ng klase ng sakit, lahat ng klase ng kakulangan ng tao sa buhay, napapakinggan namin doon, pinupuntahan kami.”

Tila raw may balon ng kuwento sa opisina ng GMA Kapuso Foundation na pinamumunuuan ni Mel.

Ang mga kuwento raw nila ay mula sa research, sulat, tawag at personal na pagpunta ng mga tao sa kanilang opisina.

“Meron ding nakakasalamuha namin kung saan-saan.”

Paano nababalanse ni Ms. Mel ang buhay o paano siya nakaka-adapt na isa siyang newscaster, and at the same time ay host siya ng isang drama program?
 
“Walang pagkakaiba yun, e! This question was asked to me during the first Magpakailanman. As a mater of fact it became... you know some kind of an issue then.

“Kasi sabi nila, ‘Ay sa news iyan, e, pagkatapos ganun, magda-drama,' ganyan-ganyan.

“Ang sagot ko noon, ganito, alam mo, in the news, taga-kuwento rin naman ako, di ba? Tagakuwento rin ako e, nagkukuwento din ako.

“Maarte lang dun, titindig ka, may ganyan, may teleprompter, maganda ka, ganun. Ganun lang dun, di ba?

“At walang drama although, of course, ang napapanood niyo sa TV pag news, yung totoong drama din. Hindi ba, on-the-spot na nangyayaring ganyan, ano?

“So sabi ko, aba’y ito rin naman pag nagnu-news ako, kinukuwento ko lang naman, e.

“Nag-interview ako ng tao sa news, si Duterte [Philippine President Rodrigo Duterte] nainterview ko, oh, tuwang-tuwa sa paa ko, gandang-ganda sa paa ko! O, di ba?

“E, dito [sa Magpakailanman] nag-iinterview din ako, mga totoong tao din naman ang iniinterview ko.

“Interesado ako sa mga nangyayari sa buhay ng mga kababayan ko, it’s the same here sa Magpakailanman, you know?

“I like interviewing them kasi nadidinig ko, nalalaman ko kung ano yung mga saloobin nila.

“So… nagkukuwento lang naman ako, hindi naman ako umaarte diyan, e, di ba?

“Hindi naman ako umaarte.

“Everything comes from the heart, everything comes from what I have inside of me in relation to the story na we are featuring in the show.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




Stories We Are Tracking

Mel Tiangco picks most gruesome <em>Magpakailanman </em>episode
Mel Tiangco picks most gruesome Magpakailanman episode
Mel Tiangco on Magpakailanman, MMK: You welcome competition.
Mel Tiangco on Magpakailanman, MMK: You welcome competition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN