How did Pauline Mendoza get her big break in Kambal, Karibal?

IMAGE Noel Orsal

Kapuso teen actress Pauline Mendoza narrates how she got her big break in the new Kapuso teleserye Kambal, Karibal: "Natuwa po ako kasi hindi ko na po kailangan mag-audition for the role of Criselda. Kasi malaki raw ang hawig ko kay Bianca Umali who will play my twin sister Crisanta. Pinagtabi po kami at nakita nila ang maraming similarities namin. Kaya binigay na sa akin ang role na Criselda."


Biggest break para sa Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza ang gumanap bilang kambal na nagmumulto sa GMA primetime teleserye na Kambal, Karibal.

Lumabas na si Pauline bilang kapatid ni Barbie Forteza sa That’s My Amboy at bilang batang Jennylyn Mercado sa My Love From The Star.

Lumabas din siya sa mga shows na Little Nanay, Alyas Robin Hood, Karelasyon, Juan Happy Love Story at Magpakailanman.

Kaya natuwa si Pauline na isang challenging role bilang multo ang ipinagkatiwala sa kanya.

BIANCA LOOK-ALIKE. Hindi na raw kailangan pa ni Pauline mag-audition dahil sa magkahawig na raw sila ng lead actress ng teleserye na si Bianca Umali.

"Natuwa po ako kasi hindi ko na po kailangan mag-audition for the role of Criselda.

"Kasi malaki raw ang hawig ko kay Bianca Umali who will play my twin sister Crisanta.

"Pinagtabi po kami at nakita nila ang maraming similarities namin. Kaya binigay na sa akin ang role na Criselda.

"It’s the biggest break so far para po sa akin kaya thank you, Lord!" masayang kuwento ni Pauline sa presscon ng Kambal, Karibal sa Le Reve Events Venue, Quezon City noong nakaraang November 21.

DOING THEIR OWN STUNTS. Noong unang araw pa lang daw ng taping nila nina Bianca at Miguel Tanfelix ay malaking challenge agad ang hinarap nila.

Kuwento niya, "Yung first taping day namin nila Bianca at Miguel, mabigat na agad.

“Kinunan po kami sa isang bangin na hinahatak ko si Bianca.

"Kami po ang gumawa ng stunt na iyon. Walang po kaming dobol.

"Safe naman po kami kasi may harness kami.

“Tsaka mababa lang yung bangin talaga. Nilagyan po ng special effects para magmukhang malalim siya.

"May mga nakaabang naman pong mga tao sa baba kung sakaling may mangyaring di maganda.

"Pero naging okey naman po ang first day shoot naming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang naaksidente o nasaktan.”

STORY. May dahilan daw kung bakit nagiging vengeful ghost siya sa istorya.

Pero kailangan daw munang hintayin ni Pauline ang script para rito.

"Hindi po kasi nila sinasabi yung mga magiging eksena namin.

"Surprise po lahat ng eksena namin para nae-excite kaming lahat.

"May big reason kung bakit ako nagalit sa kambal ko at kung bakit pumasok ang spirit ko sa isang tao para nakapaghiganti ako.

"Abangan na lang po nila kasi kahit kami, di namin alam ang mga susunod na mangyayari sa story," diin ni Pauline.

CRUSHES. Nagsimulang commercial model si Pauline bago ito pumasok sa showbiz.

Ang tunay niya pangalan ay Pauline Bianca Cruz Esquieres.

Kung bibigyan daw ng ka-loveteam si Pauline, pipiliin niya ang Chinito Heartthrob ng boyband na One Up na si Nikki Co.

"Close na kasi kami ni Nikki. Ilang beses na kaming nagkasama sa mga workshops.

“Tsaka he's very cute talaga. K-pop cutie siya," tawa pa niya.

Showbiz crushes naman ni Pauline ay sina Dingdong Dantes, Derrick Monasterio at Gil Cuerva.

Next year ay graduating na sa Pauline sa Grade 12 at plano niyang mag-aral ng kursong architecture.

"Kakayanin ko po na ipagsabay ang acting, modeling at school.

"Kung yung ibang mga artista po nakayang gawin iyon, kaya rin po natin siguro iyon,” paninigurado niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN