Ruru Madrid on being tagged as the next Dingdong Dantes: "Mas okay po na ibang tao na lang ang magsabi."

IMAGE Noel Orsal

Fresh from his win as Best Drama Actor in the 31st Star Awards for TV, Ruru Madrid is inspired to keep working hard, especially on his first title role in Sherlock Jr. 


Naging maganda ang taong 2017 para kay Ruru Madrid.

Sa ngayon ay nagte-taping na siya ng first solo-starrer/title roler niya, ang upcoming GMA-7 teleserye na Sherlock Jr.

Nitong November 12 naman ay tumanggap siya ng pinakaunang Best Drama Actor award niya sa 31st Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club para sa Encantadia.

Ka-tie niya sa naturang parangal si Dingdong Dantes para naman sa Alyas Robin Hood.

“Siyempre sobrang thankful talaga dahil parang, para sa akin itong taon na ‘to, naging sobrang masuwerte talaga ako," pahayag ng Kapuso actor.

“Dahil una sa lahat napasok ako sa Encantadia, na hindi ko naman inisip na mapapasok ako dun, hindi ko inisip na makukuha ako bilang Ybarro.

“Dahil siyempre inisip ko parang, ‘Dating role ito ni Kuya Dingdong, e!’”

Na naka-tie nga niya bilang Best Drama Actor.

“Na iyon nga po sobrang nakakatuwa po. Si Kuya Dong naman yung sobrang naging proud siya sa akin, as in nag-message pa siya na, ‘Sobrang proud kami ni Yanyan sa iyo.”

Kahit raw ang Primetime Queen na misis ni Dingdong na si Marian Rivera ay nagpadala ng congratulatory message para sa kanya.

“Na sobrang proud sila sa akin ni Kuya Dong!

“Kaya sobrang natutuwa ako, sobrang thankful ako sa mga nangyayari sa akin, sa karera ko ngayon dahil kumbaga pangarap ko yun, e!"

Isang karangalan daw ang makatanggap ng award para sa isang role na tunay niyang pinaghirapan.

“Kumbaga ibang klaseng award yun para sa akin," paliwanag ni Ruru.

"Dahil para mapansin yung talento mo, na talagang ibinuhos mo lahat—puyat, dun na ako natutulog sa set, kailangan mong umarte kahit na anong oras na, alas nuebe ng umaga kailangan mo pa ring umiyak, kailangan mo pa ring humagulgol, kailangan mong mag-fight scene.

“Talagang pinaghandaan ko yung role ko na yun kaya sobrang natutuwa ako na napansin ako sa role na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ruru ang sinasabi ng iba na next Dingdong Dantes.

“Hindi ko po masabi 'yan,” ang tila nahihiyang pagtawa ni Ruru.

“Pero siyempre po para sa akin mas okay po na ibang tao na lang ang magsabi para sa akin.”

May pressure ba ang pagkakaroon ng acting award?

“Siyempre po, siyempre po," pag-amin niya.

"Kasi parang ang bata ko nabigyan, ilang taon, disinuebe.

"'Tapos yung mga nakasabay ko pa parang siyempre mas matagal na sila dito sa industriya at mas marami na silang experience, pero napili pa rin ako.

"So parang iyon nga kailangan ko lang talagang patunayan sa lahat ng tao na talagang ang bawat eksenang ginagawa ko at bawat role na binibigay sa akin, talagang pinag-iigihan ko at pinaghahandaan ko at gagalingan ko talaga."

Bukod sa Sherlock Jr. na malapit ng ipalabas sa GMA ay regular na napapanood si Ruru sa Sunday PinaSaya tuwing Linggo.

Kasama rin si Ruru sa MMFF 2017 entry na Meant to Beh.

CAREER OVER LOVE LIFE. Love life na lang ang kulang kay Ruru, ngunit wala raw siyang niligawan sa ngayon.

Ngunit tuloy-tuloy pa rin ang tambalan nila ni Gabbi Garcia, na kasama rin niya sa Meant To Beh leading lady niya sa Sherlock Jr.

Kaya hindi raw totoong binuwag ang tambalang GabRu.

“Binalik po! Okay naman po kasi, well ako bilang nakatrabaho ko na si Gab ng ilang taon na, parang mahigit tatlong taon sobrang gaan na ng pakiramdam pagka siya yung katrabaho ko.

“Sobrang kabisado na namin ang isa’t-isa, alam namin kung nahihirapan yung isa’t-isa, alam namin kung kailangan bang tulungan, di ba?

“So madali na rin magtrabaho dahil iyon nga po, sanay na, e. Saka sobrang happy din para sa fans namin na hindi sumuko.”

Nililigawan ba niya si Gabbi?

“Hindi po.”

Bakit?

Paliwanag ni Ruru: "Ngayon kasi napagtanto ko sa buhay ko na parang ang dami ko pang priorities sa buhay na kailangang unahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lalo na ngayon na parang tuluy-tuloy po yung blessings na natatanggap ko.

"Una sa lahat iyon nga yung pagkakuha ko po ng award, so kailangan ko pang i-prove sa lahat ng tao na deserved ko yun.

"'Tapos pangalawa yung bagong show na ginagawa ko, ang Sherlock Jr. 

"Para bigyan po ako ng ganung kalaking proyekto parang kailangan patunayan ko sa kanila na deserved ko yung proyekto na yun."

Unang beses makakatrabaho ni Ruru sa isang serye si Janine Gutierrez, na isa rin sa mga leading ladies sa Sherlock Jr.

“Well kami ni Janine magkaibigan na po kami dati pa, e. So parang sanay na rin kami na nagkikita na ganun.

“Pero… sobrang sweet niya.

“Sweet siya as a leading lady, and talagang magaling, magaling, nagagalingan ako sa kanya!

“May mga scenes kami dun na parang hindi ko alam, parang bigla akong nawawala sa role ko, ang galing niya!

“Parang sinasabi ng utak ko, ‘Ang galing niya,’ ganun!

“So parang nakakagulat dahil nakakatuwa rin na may ganun kang katrabaho ngayon, na parang, may matututunan ka rin galing sa kanya at makakahugot ka pa ng mga ilang emosyon.

“At ang ganda, sobrang ganda ni Janine!”

Liligawan ba niya si Janine?

“Hindi, hindi,”sabay tawa ni Ruru.

Hindi kaya siya pagselosan ni Rayver Cruz na malapit kay Janine ngayon?

“Hindi naman kasi po magkaibigan rin naman po kami ni Ray so…”

Bakit ayaw niyang ligawan si Janine?

“Hindi po, hindi naman po sa ayaw ligawan! Kumbaga kung magkakaroon naman po ng pagkakataon at ng tamang panahon para sa ganun at kung talagang settled na lahat, why not?

“I mean, she’s so beautiful, she’s so kind, you know so para sa akin, hindi siya yung tipong hindi ka maa-attract.

“Talagang maa-attract ka, sobrang talino pa niya.”



Stories We Are Tracking

Ruru teased by Alden who got replaced: Dapat sa akin yan!
Ruru teased by Alden who got replaced: Dapat sa akin yan!




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN