Toni Gonzaga clueless about future of Home Sweetie Home

IMAGE Noel Orsal

In light of John Lloyd Cruz's indefinite leave of absence from the ABS-CBN sitcom Home Sweetie Home, John Lloyd's co-star Toni Gonzaga admits that she's not sure whether the show will continue or not: "Taping pa rin kami nang taping. Honestly, ngayon, di ko na alam if we're waiting or we're not waiting. We just take it one day at a time, parang one taping at a time, one episode at a time."


Sa kabila ng pansamantalang pagkawala ni John Lloyd Cruz sa Kapamilya sitcom nila na Home Sweetie Home, patuloy pa ring napapanood ang show kunsaan ang special guest nito ay si Piolo Pascual.

Nagpapasalamat naman si Toni na malakng tulong ang aktor para patuloy na maitawid ang show lalo’t hindi pa alam kung babalik ba o hindi si John Lloyd.

Kuwento niya, “Suprisngly, okay naman siya, tinatanggap naman siya ng mga tao.

“We’re very thankful kay PJ. Sabi nga namin, 'PJ, para kang saving grace, ha? Saving grace ka namin ngayon.'

“He doesn’t play my love interest in the show 'coz he already guested before as the cousin of Romeo [John Lloyd's character].

“Recurring character lang siya na nasa show and he’s taping with us right now, and so far, wala pa namang sinasabi ang management na last taping na.

“Taping pa rin kami nang taping.

“Honestly, ngayon, di ko na alam if we’re waiting or we’re not waiting.

“We just take it one day at a time, parang one taping at a time, one episode at a time.

“Siguro by next year, mabibigyang linaw kung ano talaga ang mangyayari, pero sa ngayon wala akong balita.

“Walang sinasabi na magtutuloy, walang sinasabi na matitigil.

“Basta gawa lang sila nang gawa ng script.”

NO TRUTH TO PAUL-ERICH RUMORS. Masayang-masaya at proud din si Toni sa pagpasok ng Siargao bilang isa sa mga entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ito ang pelikulang idinirihe ng asawa niyang si Paul Soriano at pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Erich Gonzales.

Lahad ni Toni, “Siyempre tuwang-tuwa and at the same time excited kung paano tatanggapin ng mga tao yung Siargao, 'coz Paul is known to do different kinds of films, e.

“This is his first parang commercial na ipi-present sa public, and we’re excited kung paano siya tatanggapin ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very excited about the movie because I saw how everybody worked hard.

“They were really immersed in their characters in the movie, they lived in Siargao for how many months.

“Talagang excited ako na mapanood ng mga tao kung gaano kaganda yung Siargao, kung gaano kaganda ang Pilipinas.

Tinanong din namin si Toni kung handa na ba siya na maaring mabuksan muli ang isyu na nag-uugnay sa asawang si Direk Paul Soriano sa leading lady ng pelikula na si Erich Gonzales.

Pag-amin niya, “Mabubuksan naman lagi yun pag may mga issue, pero it’s just sad that that’s how people are promoting the film.

“Because it’s not really the best way to promote a film when you know the film has a good quality.

“If it’s a beautiful film, there’s no need to inject malicious rumors that are not true just to promote it.

“They are all professionals, it’s not true, sana wag nang pahabain.

“Kanina, ako ang nag-interview sa kanila, wala talaga.

“People will think about something else, they will always think, 'O, dini-deny, ano?'

“Bahala na sila. Bahala na silang mag-isip kung ano ang iisipin nila.

“Basta ang importante, wag na lang siyang ma-promote in that way kasi maganda yung pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN