Former Munting Heredera child star Barbara Miguel is now a teener

IMAGE Credit: Instagram @iambarbaramiguel / Web

Former Munting Heredara child star Barbara Miguel has blossomed into a lovely teener. These days, however, she limits her showbiz work to occasional guestings because she wants to focus on her studies.


Dalaga na ang dating child actress ng GMA-7 na si Barbara Miguel.

Nakilala si Barbara bilang si Calila sa 2011 teleserye ng Kapuso network na Munting Heredera.

Eight years old siya noong magsimula siya sa showbiz.

Trese anyos na siya ngayong taon.

Tumangkad at dalaga nang kumilos si Barbara na first year high school na sa Victory Christian International School.

“Nagpahinga po muna ako sa showbiz para makapag-concentrate ako sa studies ko.

“Nasa awkward stage na kasi ako ngayon.

“Hindi nila alam ang puwede nilang ibigay na roles sa akin.

“Kaya naging way po iyon para makapag-aral po ako ng maayos.

“Pero next year po, gusto ko na pong bumalik sa pag-arte.

“Na-miss ko na rin po ang umarte kasi,” kuwento ni Barbara nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Annabel’s Restaurant, T. Morato Ave., Quezon City noong nakaraang December 5.

Huling regular teleserye ni Barbara ay ang Aso Ni San Roque noong 2012.

Puro guest roles lang daw ang nagawa niya sa mga teleserye na Genesis, Carmela, Niño, Pari Koy, Encantadia, Destined To Be Yours at Super Ma’am.

“More on guestings lang po ako ngayon kasi mas priority ko po ang pag-aaral.

“Pero may sinabi na po sa akin sa Direk Maryo [delos Reyes, her manager] na isasama niya ako sa isang teleserye.

“Okey lang po kasi na-miss ko na rin ang acting.

“Patuloy naman po ang pag-aral ko sa pag-arte.

“Nagwu-workshop pa rin po ako at panay panood ko ng mga movies at TV dramas.

“Madalas po mga K-pop drama! Adik po ako sa mga iyon!” natatawa niyang pag-amin.

BATCHMATES. Kinumusta namin ang ilang mga kapwa child stars noon na nakasabay niya sa teleserye na Munting Heredera na sina Mona Louise Rey, Miggs Cuaderno at Kyle Danielle Ocampo.

Nagkakasama pa rin ba sila after mawala ang teleserye nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Sa social media na lang po kami nagkukumustahan.

“Si Miggs po, pareho kami ng manager. Malaki na po siya. He’s also 13 years old na.

“Si Mona Louise po, tumangkad na rin siya. Madalas kaming mag-usap sa text or Viber.

“Pinakamatangkad po sa akin si Kyle. Minsan po nagkakausap din kami.

“Sana nga po magkaroon kami ng reunion with Tita Gloria Romero.

“Para makita ng mga nanood noon ng Munting Heredera ang mga hitsura namin ngayon.”

AWARDS. Isang award-winning child actress si Barbara na nanalo ng International Best Actress award mula sa Harlem International Film Festival in New York para sa pelikulang Nuwebe noong 2014.

Nanalo rin siya ng Best Child Actress award sa FAMAS noong 2013 for Migrante.

Kelan lang ay nanalo si Barbara ng Best Supporting Actress sa ToFarm Film Festival para sa pelikulang Instalado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN