Ivan Dorschner thankful for FAMAS special award

IMAGE Noel Orsal

Kapuso hunk Ivan Dorschner feels grateful for having been named one of the recipients of the German Moreno Youth Achievement Award during last year's 65th FAMAS Awards: "It's actually my first award in the seven years na nasa showbiz ako."


Sobra-sobra ang pasasalamat ng Kapuso hunk na si Ivan Dorschner sa pagtanggap niya ng German Moreno Youth Achievement Award noong 65th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) na ginanap noong nakaraang December 28, 2017 sa Philippine Science Center Auditorium sa Quezon City.

Ito raw ang first major recognition na natanggap niya mula noong pumasok siya sa showbiz noong 2010.

Si Ivan ay produkto ng Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 at naging talent siya ng ABS-CBN ng ilang taon.

Noong 2017 lang nakatuntong sa bakuran ng GMA-7 si Ivan at napasama sa hit teleserye na Meant To Be.

Ngayong taon, kasama rin siya sa cast ng bagong GMA-7 primetime teleserye na The One That Got Away.

“Nagpapasalamat po ako sa board of FAMAS, sa mga curators of our own local contributions to our pop culture.

“Sana nafi-feel niyo na I love what I do and I love other people that also love what I do, and I would just like to say thank you for the recognition.

“It’s actually my first award in the seven years na nasa showbiz ako,” pahayag ni Ivan sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press launch ng GMA primetime teleserye na The One That Got Away sa NIX.05 at Belagio Square, T. Morato Ave., Quezon City last January 4.

THANKFUL. Hindi raw inaasahan ni Ivan na makakatanggap siya ng naturang award na ginagawad sa mga taga-showbiz na nagiging inspirasyon sa mga kabataan ngayon.

“It feels very important.

“I'm very thankful sa council ng FAMAS at hindi ko alam kung ano yung ginawa ko mismo [to deserve the award].

“Kung achievements, sana itemized list siya para mapakita ko naman sa mga magulang ko.

“I think ang pinakaimportante rito ay yung mga natutuwa sa mga ginawa namin.

“Naapektuhan namin sila.

“Sana binigyan namin sila ng karapatang sumaya, ngumiti every night sa bawat event namin,” diin pa ni Ivan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REMEMBERING KUYA GERMS. Ang yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno ang nagtatag ng German Moreno Youth Achievement Award sa FAMAS.

Naaalala pa rin daw ni Ivan ang mga unang araw niya sa GMA-7 nang papasukin siya sa opisina ni Kuya Germs na punung-puno ng trophies.

Pagbabalik-tanaw niya, “Naaalala ko nung mga first days ko sa GMA, hinila ako bigla ng mga executives papasok sa office ni Kuya Germs.

“The whole office was a trophy in and of itself.

“Kitang-kita lahat ng mga pagiging creative and artistic niya sa mismong office space niya.

“So if I'm a person this year na nakatanggap ng award na nakapangalan sa kanya, you can call me proud.”

Nagpasalamat din si Ivan sa Kapuso network sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maipakita ang talento niya sa pag-arte.

Lahad niya, “GMA has really shown me many doors opened.

“Choice ko naman buksan 'yon, so thank you to GMA at nagkaroon ng tamang direksyon ang career natin.

“I will forever be thankful sa mga nagawa nila sa akin.”

IMPROVED FLUENCY IN TAGALOG. Kapansin-pansin na ang husay ni Ivan sa pagsalita ng Tagalog.

Ayon sa aktor, madalas na raw siyang nagsasalita ng Tagalog para masanay siya.

Kahit daw nasa bahay siya, pinapanood niya ay mga local shows para raw mas masanay siya sa tunog ng pagsalita ng Tagalog.

“Kahit naman noon pa after PBB, I tried speaking Tagalog na.

“Hindi siya madali pero nagawa ko naman.

“Yung accent na lang ang gusto kong maalis sa pagsalita ko ng Tagalog.

“Mukhang mas okey na ngayon kesa dati, di ba?

“Alam ko na kapag nag-work ka dito as an actor sa Pilipinas, importante na alam mo yung language.

“At naging matiyaga naman ako na matutunan ang Tagalog dahil Filipino ako,” pagmamalaki ni Ivan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN