Beauty Gonzalez to focus on family after Pusong Ligaw

IMAGE Noel Orsal

Beauty Gonzalez plans to focus on her family when she wraps up work for ABS-CBN's Pusong Ligaw: "Pahinga muna ako kasi isang taon din akong nagtrabaho. Ang dami ko nang utang sa asawa ko, so bayaran ko muna yung utang ko sa asawa ko at sa anak ko na masungit. Yun na muna ako, saka bigyan ko muna ng panahon ang sarili ko."


Sa pagtatapos ng Pusong Ligaw ngayong linggong ito, magpapahinga muna si Beauty Gonzalez mula sa paggawa ng mga proyekto para mabigyan ng sapat na oras ang kanyang asawa at ang kanilang anak.

Saad niya, “Pahinga muna ako kasi isang taon din akong nagtrabaho.

“Ang dami ko nang utang sa asawa ko, so bayaran ko muna yung utang ko sa asawa ko at sa anak ko na masungit.

“Yun na muna ako, saka bigyan ko muna ng panahon ang sarili ko.”

Ayon nga kay Beauty, napakapalad niya si Norman ang napangasawa niya kung saan buong-buo ang suporta na binibigay nito sa kanya.

“Kaming dalawa pinapagaan namin ang situation namin.

“Norman is the best thing that ever happened to me. In every way, yun na ang sagot ko.

“Pinapagaan niya talaga, he’s very supportive, he watched the show everyday, he gives comments.

“Wala na akong ibang mahihiling, gusto ko lang hiling, forty years with me.

“It’s not a secret na matanda siya sa akin.

“Yun lang naman ang wish ko every New Year, every year na sana mas humaba pa ang buhay niya,” panalangin niya. 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty sa nakaraang farewell/thanksgiving presscon ng Pusog Ligaw kagabi, January 6, sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

BABY NUMBER TWO? Agad din naming tinanong si Beauty kung may plano na ba sila ng asawa ng sundan na ang anak nilang si Olivia.

Mabilis niyang tanggi, “Wala, 'no!

“Siyempre, I mean not now, I can’t promise the next few year, di ko mapa-promise na masasabi ko pa na no in three years, four years, but ngayon and the next year, di talaga.

“One year akong nagtrabaho so one year din akong di nakita ng anak ko.

“Ang unfair naman na mabubuntis ako agad na di siya maalagaan saka pati asawa ko, kailangan ko ring bigyan ng panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unfair naman kung buntis agad, di ko man lang napagsilbihan ang asawa ko.

“Ayoko naman buntis ng buntis na di ko nabibigyan ng oras ang sarili ko saka pamilya ko.

“Baka pagdating ng taon, baliw na ako, di ba?

“Para din ito sa sarili ko kasi how can you be a good mother if you’re not treating yourself good?

“How can you be a good wife kung di mo binibigyan ng panahon ang sarili mo?

“So i-enjoy ko muna itong lahat. Kailagan ko munang alagaan ang sarili ko.”

MIXED EMOTIONS. Ngayong matatapos na ang Pusong Ligaw na umere nang halos isang taon, aminado si Beauty na mixed emotions ang nararamdaman niya sa pagtatapos ng pinagbibidahang serye.

Pag-amin niya, “Siyempre mixed emotions.

“Masaya ako na matataoos na rin. Ang pangit naman na i-extend nang i-extend ang istorya tapos di na magiging ganun kaganda, so okay na ring matapos yung Pusong Ligaw.

“At the same time, malungkot kasi mami-miss ko ang mga katrabaho ko.

“Sobra naming saya sa set.

“Personally, sa akin okay lang to say goodbye, kasi we all know we’re okay sa set.

“Nakakalungkot, pero masaya ako na may ibang show na rin sila, masaya tayo na makakapagpahinga na tayong lahat.”

BEAUTY VS. TESSA. Playing the role of Tessa in Pusong Ligaw, tinanong namin ang aktres kung ano ba ang nakikita niya na pagkakapareho at pagkakaiba niya sa karakter na ginampanan sa serye.

Lahad niya, “Tessa is so far from Beauty, sa totoo lang.

“Iyakin si Tessa, e.

“Si Beauty, di matapang si Beauty. I cried, there are times I cried, I’m a crybaby.

“Iyakin ako sa totoong buhay, pareho kami ni Tessa, pero si Beauty kasi pag may problema siya, just let go.

“Si Tessa kasi hinaharap niya yung problema, so yun ang kaibahan namin.

“Yung pagkakapareho naman sa isa’t isa, pagmamamhal ng pamilya—the love of the family and the love of the child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wish for Tessa to end up having a family like Beauty, kasi ako I have Norman, I have Olivia.

“I have Norman’s kids, so gusto ko rin si Tessa sa story, makasama din niya yung mga mahal niya sa buhay.”

FRIENDSHIP WITH BIANCA. Sa Pusong Ligaw din nabuo ang malalim na pagkakaibigan sa pagitan nina Beauty at Bianca King na siya namang gumaganap bilang Marga, at isa sa kontrabida sa serye.

Kuwento ni Beauty, “We’ve been very close talaga kasi isang taon ka ba naman na nandito sa show.

“Happy ako kasi nagri-reach out kaming dalawa.

"It’s not siya yung nag-reach out, or ako ang nag-reach out.

"Kaming dalawa talaga ang nag-reach out and it really shows in the show.

“At the same time, I’m happy to be her friend, kasi she’s been a good influence in my life, especially being healthy and taking care of oneself.

“Ano 'yan, e, healthing-healthy 'yang si girl, e.

“Happy ako ngayon that I lost weight. I looked tired of work but I am happy now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN