Marian Rivera explains why she can't accept GMA-7 project right away

IMAGE Mark Atienza

Marian Rivera says she will rest first after working for six months straight with Super Ma'am. "May offer sa akin ang GMA na heavy drama, pero magre-rest muna ako. Paano ako magbubuntis kung taping ako nang taping?"



Pagkatapos ng Super Ma'am ay magpapahinga sandali si Marian Rivera at pagkatapos ay nais niyang gumawa ng pelikula.

“Open na ako na gumawa ng mga out-of-the box na istorya,” saad ni Marian tungkol sa susunod niyang mga gagawing pelikula.

“Kasi nanay na naman ako, may asawa ako, puwede na akong mag-take ng risk.

“It’s about time siguro na gumawa naman ako ng something new.

“Mga tipong baliw-baliwan, pumapatay, ganun!

“Wala akong ganun, e. Puro mabait ako, e! Malay mo naman may pagkakataon ako dun.

“Mas gusto ko nang gawin yung kesa magpa-sexy, mas gusto ko ng mga ganung character.

“Something new naman for 2018.

Patuloy ni Marian, “Although siyempre may mga kino-consider kami na mga endorsements, na minsan sensitive sila sa ganyan so hindi puwedeng bara-bara.

“Kailangan magpapaalam tapos talagang, siyempre kailangan din nating ingatan siyempre, mother imaging.”

Magtatapos na ngayong Biyernes, January 26, ang Super Ma’am ni Marian, and looking back, ano ba ang pinakamahirap na eksenang ipinagawa sa kanya ni LA Madridejos na siyang direktor ng GMA-7 primetime series?

“Hindi kasi ako madalas nagpapa-double so kung ano yung mga eksena na dapat ginagawa nung double ko, ginagawa ko talaga siya nang aktuwal.

“Kaya minsan yung asawa ko [Dingdong Dantes] sinasabi niya, ‘Mahal, kapag alanganin, huwag mo namang gawin.

“Kasi ikaw minsan kahit alanganin ginagawa mo. Remember, may anak ka.’

“Sabi ko, ‘Ah, oo nga pala!’

“Ako naman kasi pag trabaho, trabaho, one hundred percent ko ang ibinibigay ko.

“Tinanggap ko nga ito dahil gusto ko, so gagawin ko talaga siya.

“And alaga naman ako sa set, e. Pag alam nilang alanganin sila mismo nagsasabi, ‘Sandali Yan, try muna natin.’

“Especially with Direk LA, dyusko hindi ako pababayaan nun. 

“'Saka sina Tatay Val [Iglesias], sila muna bago ako. So secure talaga, hindi ako nagwo-worry talaga.”

Ibinalita naman ni Marian na pipirma na siya para sa Season 3 ng Tadhana, ang Saturday show ng GMA kung saan siya ang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang target nila ten years, choz,” sabay tawa ng Primetime Queen.

Napapanood rin si Marian tuwing Linggo sa Sunday PinaSaya. Kaya kahit matapos ang Super Ma’am ay sa dalawang shows pa rin siya napapanood.

“At least rest muna ako, for six months naman nasa TV ako ng primetime [via Super Ma’am].

“At hindi naman maglalaon may offer naman ang GMA pero sabi ko nga, mag-rest muna ako after Super Ma’am.

“May offer sa akin ang GMA na heavy drama, pero magre-rest muna ako.

“Paano ako magbubuntis kung taping ako nang taping?

“Priority ko naman mag-rest muna. Siguro deserve ko naman, for straight six months [na trabaho], mag-rest muna ako.

“Pero yung asawa ko siyempre back to work siya.

“Hindi kami puwedeng sabay at ayokong magkasama kami sa soap kasi kawawa yung anak namin.

“[Pag] Parehas kami sa soap, sinong maiiwan kay Zia?

“At least kapag siya may soap, ako may soap na magkahiwalay… every other day kasi pinaplantsa namin, e. M-W-F ako, T-TH-S siya. So halinhinan kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN