Maja Salvador on Wildflower beating Wowowin in ratings game: "Bibigyan ko po kayo ng jacket!"

IMAGE Courtesy: #iammajasalvador on Instagram

Hindi pa raw alam ni Maja Salvador kung kailan siya makakabitaw sa karakter niyang si Lily Cruz sa Wildflower. Magtatapos na ang kanyang pinagbibidahang tleserye sa February 9, pagkatapos ng isang taong sa ABS-CBN.



Hanggang February 9 na lamang mapapanood sa telebisyon ang early-primetime series ng ABS-CBN na Wildflower.

Umabot ng isang taon sa ere ang teleseryeng pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Lumikha rin ito ng ingay sa social media dahil sa mga memes mula sa netizens.

Pagdating naman sa ratings, top-rater din ang show sa kanilang timeslot. Katunayan, ilang beses na din nitong tinalo ang katapat na Wowowin ni Willie Revillame sa GMA-7.

Kahapon, January 31, ginanap ang finale presscon ng show. Kaya naman inusisa ang aktres-singer sa pagkapanalo nila sa kanilang timeslot.

Ayon pa sa isang reporter, "Ano ang masasabi mo na maraming mga tao ang napapa-Wow na kayo ang Win sa timeslot niyo?"

Natatawang tugon ni Maja, “Salamat po, bibigyan ko po kayo ng jacket.”

Tawanan ang press sa naging tugon ni Maja. Dagdag pa niyang natatawa, “Nabaskil tuloy ako.”

Ang katagang "bigyan ng jacket" ay ang laging binabanggit ni Willie sa Wowowin kapag may nakasagot ng tama sa kanyang mga tanong. 

SEPARATION ANXIETY. Sa ngayon pa lang, aminado na si Maja na nakakaramdam na siya ng separation anxiety sa pagtatapos ng kanilang palabas.

Paano nga ba niya bibitawan ang sikat na sikat niyang karakter na Lily Cruz?

Tugon niya, “May nagtanong nga sa akin kung paano ko ile-let go ang pagiging Lily Cruz ko.

"Hindi ko masasagot dahil hindi ko alam kung paano dahil ang ginawa sa akin ng RSB [Ruel S. Bayani] unit, ang ginawa sa akin ni Direk Ruel ay sobrang laki ang tinulong sa career ko.

"At hindi rin lang sa career ko kundi yung mas naging grabe pa yung passion ko para magtrabaho. Mas naging dedicated pa ako sa kung ano yung binibigay sa aking project.

"Basta iba. Dahil sa RSB unit, dahil sa Wildflower ang daming offers, ang daming mas magagandang nangyari."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN