Paul Salas reacts to Barbie Imperial being paired with JM de Guzman

Paul Salas (right) describes his past experience working with JM de Guzman, who will now be the leading man of his girlfriend Barbie Imperial (left).


Kumpirmado na si Barbie Imperial ang magiging leading lady ni JM de Guzman sa pagbabalik teleserye ng aktor sa ABS-CBN. Magkapareha sina JM at Barbie para sa Precious Hearts Romances (PHR): Araw Gabi.

Dahil dito, marami ang nagtatanong kung apektado ang boyfriend ni Barbie na si Paul Salas sa development na ito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa 2018 Tinagba Festival na ginanap sa Iriga, Bicol, noong February 11, siniguro ni Paul na wala siyang selos o kabang nararamdaman ngayong ipapareha ang kasintahan kay JM.

“Hindi, kasi si Kuya JM kasama ko na ‘yan sa Mula Sa Puso pa lang. May pinagsamahan na kami niyan, napakabait na Kuya niyan para sa akin. Alam ko naman na maaalagaan niya si Barbie, magiging okay siya as loveteam, magiging mabait siya.

“Special siya sa akin pero trabaho naman ito, e, di ka puwedeng magpaapekto sa trabaho kasi lalo lang kaming masisira. Basta masaya ako para sa kanya, may bago siyang project, busy-busyhan na siya so support ako sa kanya.”

Ayon din kay Paul ay walang lugar ang insecurities sa parte niya kahit pa malaking break ang pinagkatiwala sa girlfriend. Para din sa aktor, di rin magiging problema sa kanila ang oras ngayong busy na sa taping si Barbie.

“Wala, wala akong issue sa ganyan, basta masaya ako para sa kanilang dalawa lalo na kay Barbie. Big break sa kanya, sabi ko sa kanya ingatan niya, galingan niya pa lalo.

“Oras? Hindi naman, ako hangga’t di pa naman ako busy...

"Sa kanya, sana M-W-F [Monday-Wednesday-Friday] lang ang taping niya pero masaya ako para sa kanya.”

Nang kumustahin naman namin kung may proyekto ba siyang pinagkakaabalahan sa ngayon, naghihintay pa rin si Paul sa proyektong ibibigay sa kanya ng Kapamilya network.

“Actually wala pa pero sana may pinaplano sila. Busy ako sa endorsements, mall shows. Inip? Di naman, basta kung ano ang ibigay sa akin, okay lang naman sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging isang malaking issue noong 2017 nang magkahamunan na maglaban sa basketball game sina Paul at Daniel Padilla. 

Nag-ugat ito sa tweet ni Paul kunsaan biniro niya si Daniel tungkol sa foul na nangyari sa basketball game ni Daniel at JC de Vera.

Ang post noon si Paul sa kanyang Twitter account: "Mag laro ka nalang ng lazer tag kung ayaw mo masaktan sa basketball."

Si Daniel naman ay nagtanong sa pamamagitan rin ng Twitter: “Seryoso ba tong mga to tol?”

Tila naghamon si Daniel at tinanong si Paul: “Ano? Sagot.”

Nang kamustahin namin si Paul kung nagkita na ba sila uli ni Daniel, nagkuwento siya na naging maayos naman ang pagkikita nilang ito ng Teen King.

Ani Paul, “Oo, sa isang Vivo event matagal na yun kasi pareho kami ng ine-endorse na phone.

"Nag-apiran pa kami, kumbaga asaran lang talaga namin yun. Sabi ko siguro naman narinig niya yung interview. Sabi ko, 'O, pare, kumusta?' Sabi niya 'O, kumusta?” Sabi ko, 'Balita? ganun, ganyan...'"

Nang tanungin kung matutuloy nga ang basketball showdown ni Paul at Daniel, sagot nito:

“Baskteball match? Wala, e, busy sila, e. Ako medyo nagraraket-raket din ako pero sana matuloy kasi it’s a friendly game lang naman."



Stories We Are Tracking

Ch. 2 waited for JM de Guzman to finish rehab for this show
Ch. 2 waited for JM de Guzman to finish rehab for this show
Meet the new leading lady of JM de Guzman for<em> Araw Gabi</em>
Meet the new leading lady of JM de Guzman for Araw Gabi
JM de Guzman to star in TV project for 2nd showbiz comeback
JM de Guzman to star in TV project for 2nd showbiz comeback
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN