Here's a role Rodjun Cruz finds hard to portray

Rodjun Cruz appears in an upcoming episode of Stories for the Soul, a GMA-7 show that features people overcoming trials in life. The actor recalled a difficult chapter in his life when his father passed away in 2009 due to emphysema. 



Hindi nawawalan ng trabaho sa GMA-7 si Rodjun Cruz. 

Ang latest project niya ay ang "Rehas" episode Stories For The Soul kung saan kasama niya si Paolo Contis, na mapapanood sa Linggo, February 25.

“Oo nga po, si Lord na ang bahala, sana huwag mabakante,” ang nakangiting bulalas ni Rodjun.

“Kailangan pong mag-ipon para sa kasal.”

Sa December 21, 2019 ang kasal nina Rodjun at Dianne Medina.

Bukod sa maayos ang pag-aalaga ni Leo Dominguez sa showbiz career ni Rodjun, hindi rin namimili ng roles ang aktor.

“Opo yun nga po, lahat tinatanggap ko po. Magaling si Lord!”

Ang huling regular na serye na kinabilangan si Rodjun ay ang Alyas Robinhood 2 at madalas ang guestings niya sa Magpakailanman, Celebrity Bluff, Tadhana (ni Marian Rivera) at iba pang shows ng Kapuso network.

“Kapag walang teleserye, at least nakakaikot ako sa iba-ibang shows ng GMA.”

Si Dianne naman ay nakakapag-guest rin sa GMA, magkasama nga sila ni Rodjun sa latest guesting nila sa Tadhana.

Alaga naman ni Perry Lansigan si Dianne na isang newscaster ngayon sa PTV 4.

Ang Stories For The Soul ay kuwento ng mga hindi magagandang karanasan o pangyayari sa buhay na sa huli ay magkakaroon ng masayang pagtatapos.

Si Rodjun ba ay may mga ganitong kaganapan sa buhay niya?

“Siguro malungkot yung namatay yung Papa namin, 2009.”

Pumanaw ang ama nila dahil sa sakit na emphysema.

Kuwento ni Rodjun, “Barado na yung lungs niya 'tapos complications na rin.

“Iyon siguro, 'tapos after pa ng birthday ko yun.”

October 10 ang birthday ni Rodjun, October 19, 2009 namatay ang kanilang ama.

“Parang pinatapos lang niya yung birthday ko 'tsaka ng mama ko.

“Yung mama ko kasi October 16 ang birthday.

“Iyon siguro ang pinakamalungkot kasi ang hirap, e!

“Kahit na ano’ng ready, kahit alam mo na…. iba talaga kapag family.”

Dalawang buwan daw sa ospital ang ama niya bago namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inilalaban namin, na parang gagaling 'tapos may bacteria na naman na ano, may kumplikasyon.

“Iyon ang pinakamahirap.”

Ang paninigarilyo ang isa sa mga sanhi ng emphysema kaya sila ng kapatid niyang si Rayver Cruz ay never nanigarilyo.

“Hirap nga ako kapag may role na naninigarilyo, ang tigas raw ng kamay ko,” ani Rodjun.

Bukod sa pag-iwas sa sigarilyo ay regular sa gym sina Rodjun at Rayver.

“Opo, talagang healthy lifestyle kami, e.”


Work Mode!?????????? Stories for the soul taping ???????????? #Rehas

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN