Miguel Tanfelix on Kambal Karibal going against La Luna Sangre: "KathNiel yun..."

IMAGE From Instagram account of Kapuso PR Girl

As Miguel Tanfelix and Bianca Umali get bashed by netizens as their show Kambal, Karibal compete with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's show La Luna Sangre, the young actor pays them no mind. He told PEP, "Kung maliit kami sa paningin nila, okay lang. Basta kami ni Bianca ginagawa namin ang best namin."



Kumpara noong magsimula ang primetime series na Kambal Karibal sa GMA-7, ngayon ay nakatapat at minsan ay nakalalamang na nga raw sa TV ratings ang pinagbibidahang primetime series ng Kapuso artists na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Ang katapat nito sa ABS-CBN ay ang magwawakas na teleserye na La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Malaki ang fan base ng love team ng KathNiel, kung kaya't maraming netizens ang hindi tanggap na nakapantay o nakalalamang ang Kambal, Karibal sa La Luna Sangre. 

Dahil dito ay nakatatanggap ng pamba-bash sina Miguel at Bianca, at sinasabihang tila wala pa sila sa kalingkingan ng naabot na kasikatan ng KathNiel.

Sinagot naman ni Miguel ang mga ganitong pamba-bash sa kanila.

Aniya, “Well, sa akin naman wala naman po akong masasabi kung minamaliit nila kami. 

“Kung maliit kami sa paningin nila, okay lang.

“Basta kami ni Bianca ginagawa namin ang best namin.

“Like noong una nga, hindi namin inakala na makakatapat kami sa ratings at malalamangan pa namin ang kalaban naming show.

“Basta kami, ginagawa namin ng buong puso ang show namin and the rest will follow.”

Aminado naman si Miguel na noong una, talagang kabado at pressured daw sila ni Bianca na itatapat sila sa isang malaking teleserye at sikat na love team.

“Of course, KathNiel yun at established na talaga ang story ng show nila.

“Kami, nagtiwala lang kami sa isa ’t isa. Sa director namin, sa story, sa lahat-lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa set visit ng Kambal, Karibal noong February 28 sa Pasig Rainforest Park.

Ngunit kahit maganda na ang naitatala nilang ratings, ayaw pa rin naman daw nilang maging kampante.

Ayon kay Miguel, “Mahirap na maging kampante, hindi namin iniisip yun. Basta kami, ginagawa lang namin ang kailangan naming gawin.”

At kung sakali at pagkatapos daw ng Kambal Karibal na nasa prime-time slot ay maisipan ng network na ilagay sila ni Bianca sa panghapong oras, hindi raw ito magiging isyu sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang katwiran ni Miguel sa bagay na ito, “No problem.

“Basta blessing po kasi sa amin yun at ang importante, pinapahalagahan kami ng network, inaalagaan kami ng network.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN