Archie Alemania on contract with GMA-7: "The talent fee? Honestly, doble kaysa sa kabila."

IMAGE @archiealemania on Instagram

Archie Alemania is not in a race for more projects with fellow comedians. "I'm just here for the longevity of just being here and doing my best as an actor," he says.



Sa tagal na rin ng komedyanteng si Archie Alemania sa entertainment industry, may nagsasabing mailap na sa kanya ang tsansang maging bida sa mga projects tulad ni Vhong Navarro.

Reaksiyon ni Archie, “Dito sa GMA, binibigyan naman nila ako ng chance na magbida sa Tadhana, Karelasyon, Wagas, Bubble Gang. 

“Mga sketches ko, mga sarili ko, I mean, naibibigay naman nila yung gusto ko, yung pinangarap ko.”

Galing sa Kapamilya network si Archie bago siya naging Kapuso artist.
 
“Last year, one year na,” saad niya, “okey naman, masayang-masaya ako dito.

“Hindi ako nawawalan ng project, laging meron, very happy.

“Dito yung second chance na hinahanap ko, GMA ang nagbigay sa akin.

“The talent fee itself, okey. Okey dito.”

Mas malaki ba kumpara sa kabilang network?

“Honestly, yes, doble kaysa sa kabila,” tugon ni Archie.

“So, happy ‘tapos hindi pa nila ako binabakante, dire-diretso, mas masaya.”

Nagkumento pa ang 39-year-old actor hinggil sa sinasabing star treatment sa industriya.

Ayon kay Archie, “Hindi pa ako nagkakaroon ng katrabaho dito na sila lang yung mga inaasikaso kaysa doon sa mga support. 

“Sa Bubble Gang, pare-pareho kami although si Bitoy, Michael V. na ‘yan.

“Kahit naman kami, iba yung kung paano namin siya kausapin.

“Sa Ang Forever Ko’y Ikaw, pare-pareho kami; sa Calle Siete, pare-pareho. 

“Doon sa mga nagawa ko, sa Wagas, Magpakailanman, pare-pareho.”

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Archie sa ginanap na presscon para sa teleseryeng Ang Forever Ko’y Ikaw nitong March 1 sa GMA Building.

DIFFERENT EXPERIENCE. Pagpapatuloy pa niya tungkol sa pagkakaiba ng GMA-7 sa ABS-CBN.

Ani Archie, “Sa kabila kasi, mas takot ang mga artista sa mga staff. 

“Dito parang mas takot ang staff kaysa sa mga artista.” 

Paglilinaw niya, “Doon kasi, paano ba? Parang sabihin kaagad, kikilos kaagad ang mga artista sa kabila, e. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito kasi may feel na parang homey-homey, yung feeling na parang relax lang, hindi pressured.

“Doon kasi parang tarantahan, e.”

Wala bang kumpetisyon sa inyong mga komedyante sa ABS-CBN pagdating sa mga projects?

Sagot ng dating dancer, “Dito kasi, yung sa akin, ha, wala yun sa karakter ko na same as Archie. 

“Yung kaya ba nilang gawin yung kaya kong gawin? Wala. 

“Sa kabila, ang dami namin, nandiyan si Janus [Del Prado], kapareho ko yun.

“Kapag kasi may pinagpipilian—Janus, Ketchup [Eusebio], may dalawa pang artista na pagpipilian ’tapos ako. 

“Dito parang wala pa akong na-encounter na ilang kaming pinipinili sa character.”

LONGEVITY. Nag-iisa lang siya sa GMA?

“I would like to think na sana sa GMA. 'Tsaka yun na rin ang ibinigay ni God, dito ka, dito ka magsa-shine.”

Sa pelikula ay nakaranas na rin naman raw na maging bida si Archie.

Sabi pa ng komedyante, “Puro indie, e, hindi mainstream. 

“Siguro yung time ko lumipas na, ‘tapos na siguro.

“I’m just here for the longevity, of just being here, and doing my best as an actor. 

“Kung anuman ang ibigay sa akin, double siguro ang effort.

“Hindi naman sumusuko, siyempre, nandiyan pa rin naman yun. 

“Kung ibibigay sa akin ni God, why not? 

“Kung nandiyan, e, di nandiyan. Wait na lang muna, hintay lang muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN