Who is Kyline Alcantara's kontrabida peg?

Young Kapuso kontrabida Kyline Alcantara reveals Tony Award-winning actress Viola Davis as her kontrabida peg: "Ang galing kasi po ni Viola sa role niya as Annalise Keating. May mga eksena naman po na mata lang ang ginagamit niya kapag nagagalit siya. Yun po ang ginagaya ko na acting style."


Maganda ang feedback ng mga netizens sa pagganap ng Kapuso teen actress na si Kyline Alcantara bilang kontrabida sa GMA-7 primetime teleserye na Kambal, Karibal.

Gumaganap si Kyline bilang si Chesca, na ang katawan ay sinaniban ng kaluluwa ni Crisel (played by Pauline Mendoza).

Natutuwa naman daw si Kyline sa mga nababasa niyang comments sa kanya ng marami kaya lalo siyang ginaganahan na husayan pa ang pagganap niya sa naturang teleserye.

“Mas nakaka-boost po ng confidence ang both positive and negative reviews sa akin.

“Kasi doon ko rin po binabase sa mga feedback nila kung ano pa ang kulang ko sa pagganap ko as Chesca.

“Open naman po ako sa lahat ng comments nila sa akin. Tanggap ko po kung may ayaw sa pag-arte ko.

“It’s the only way po para mag-grow ka as an artist sa industriyang ito.

“Noon pa man po, nailagay ko na sa isipan ko na hindi lahat magugustuhan ang mga ginagawa mo.

“So there’s always room for improvement.

“Hanggang kaya ko pa po mag-improve sa acting ko, gagawin ko po,” pahayag ni Kyline nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kambal, Karibal sa Pasig Rainforest Park sa Pasig City noong nakaraang March 1.

Sa edad ni Kyline na 15 anyos, malawak na raw ang nagiging kaalaman niya sa pag-arte.

ACTING PEG. Bukod sa paghanga niya sa paborito niyang mga kontrabida na sina Bella Flores at Cherie Gil, mahilig din siyang manood ng mga American drama series para doon siya makakuha ng iba’t ibang istilo sa pag-arte.

Sa kasalukuyan ay paboritong panoorin ng teen actress ang series na How To Get Away With Murder na pinagbibidahan ng Oscar, Emmy at Tony Award-winning actress na si Viola Davis.

“Ang galing kasi po ni Viola sa role niya as Annalise Keating.

“Gusto ko po kung paano siya mag-deliver ng lines niya, lalo na kapag nagagalit siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga eksena naman po na mata lang ang ginagamit niya kapag nagagalit siya.

“Yun po ang ginagaya ko na acting style.

“Yung may kinikimkim kang galit pero any time puwede ka pong sumabog.

“Pero nagagawa mo pa ring ikontrol iyon, pero makikita pa rin sa mukha mo yung intensity ng emotions,” saad niya.

REALISTIC CONFRONTATION SCENES. Bilib naman ang marami kay Kyline sa pagdala niya ng confrontation scenes nila ni Bianca Umali.

Pagdating sa pisikalan na aspeto, sinusubukan nilang huwag masyadong masaktan ang isa’t isa.

“Minsan po kasi, napapalakas lang talaga dahil nadadala kami pareho ni Bianca sa eksena.

“Nangyayari po talaga na minsan nasaktan ko ng sobra si Bianca at gano’n din siya.

“Though may rehearsals po kami, minsan dahil na rin sa we are so much into our characters, nakakalimutan namin na maging maingat.

“Kaya yung sabunot ko minsan kay Bianca, masakit at ramdam ko na nasaktan siya.

“Nagsu-sorry naman po ako agad kay Bianca kasi alam kong masakit yung nagawa ko.

“Tatawa lang po siya na parang wala lang.

“In fairness, kahit na aksidente ko siyang nasaktan, kasama pa rin ako sa 18 candles sa debut niya!” tawa pa ni Kyline.

“CLEANSING” PROCESS. Bagamat todo seryoso si Kyline sa pag-internalize ng kanyang role, sinisigurado naman niyang hanggang sa shoot lang ito, at hindi niya dinadala sa bahay.

Noong una raw ay nahirapan siyang ihiwalay ang role na Chesca pagkatapos ng kanyang taping. Kaya minsan daw ay mabigat ang pakiramdam niya.

“It happened po noong nasaniban na si Chesca ni Crisel.

“Parating galit yung character ko. Nahirapan akong ihiwalay yung character lalo na kapag nakauwi na ako.

“Kaya after each taping, I go through spiritual cleansing.

“I pray a lot para hindi ko mauwi yung character ko.

“Nakatulong po kaya alam ko na yung gagawin ko pagkatapos ng taping namin, lalo na kung mabigat ang eksena,” pag-amin pa ng young kontrabida actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN