Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Megan Young, Mikael Daez headline Kapuso Araw ng Dabaw 2018 celebration

IMAGE Arniel Serato

Kasalukuyang nasa Davao ngayon sina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Megan Young, Mikael Daez, at Katrina Halili para sa GMA Regional TV celebration ng ika-81 Araw ng Dabaw.


Isang engrandeng selebrasyon ang inihanda ng GMA Regional TV para sa okasyon ng ika-81 Araw ng Dabaw sa Davao City.

Pinangunahan ng The Cure stars na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez ang Parada Dabawenyo kaninang umaga, March 16.




Kuwento ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang local media ng Davao sa presscon na ginanap sa New Asia restaurant ngayong tanghali, “Warm naman yung mga taga-Davao, e. So, nag-i-enjoy kaming kumaway, ngumiti.

“Hindi nakakapagod kung yung mga tao ay excited din silang makita kami.”

Dagdag naman ni Tom, “Nakakadaya na parang marunong kang sumayaw, a. Kasi may music. Mapapa-sayaw ka.”

Sabi naman nina Jennylyn at Tom, nakakaabang din ang bago nilang primetime series sa GMA dahil napapanahon ito lalo na ngayon sa kontrobersiya sa dengue vaccine.

Para daw ito talaga sa buong pamilya.

Bukod kina Jennylyn at Tom, sinamahan din sila ng real-reel life loveteam na sina Megan Young, Mikael Daez, at Katrina Halili ng The Stepdaughters.



Na-enjoy daw ni Mikael ang parada kahit na ang init ng panahon. Ramdam daw kasi niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanila.

Aniya, “Feeling ko, hindi ito yung first time ko.”

Ayon pa sa kanya, nakasali na rin daw siya sa parada ng Araw ng Dabaw ilang taon na ang nakaraan ngunit iba daw sa ngayon dahil kasama na niya ang kanyang girlfriend na si Megan.

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa kasi iba na ngayon, public na [ang relationship] namin. Sigurado ako, last na nandito ako, hindi pa public.”

Ayon naman kay Megan, “Masaya yung parada kanina. Happy to be here in Davao to celebrate Araw ng Dabaw, of course, with the Davaweños.

"It's a full day celebration with us. And getting to see more of Davao and the beauty they have here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa kasi ang aga gumising ng mga tao para makapanod ng parada.

"They really take time to celebrate this day and it's something na I really admire kasi they keep that celebration with them.”

Sa kabilang banda, ikinatuwa din ni Katrina ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Davao sa kanila.

Saad pa niya, “Ang saya kasi ang init ng pagtanggap nila sa amin. Kasing-init ng panahon.

“Happy sila tapos very warm yung mga tao, mababait.”

Mapapanood muli sina Jennylyn, Tom, Megan, Mikael, at Katrina sa Kapuso mall show sa SM City Davao ngayong alas-4 ng hapon, sa SM City Davao.

BUONG PUSO PARA SA KAPUSO. Bukas, March 17, magbibigay saya naman sa mga Dabaweño ang mga artistang kabilang sa cast ng Sherlock Jr.

Makakapiling ng mga fans nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa mall show ng GabRu na gaganapin sa Abreeza Mall, bandang ika-4 ng hapon.

Kasama rin sa mga magbibigay ng saya sa nasabing mall show sina Andres Paras at Kate Valdes.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN