Odette Khan admits pawning jewelry after becoming jobless due to stroke

IMAGE Noel Orsal

Odette Khan is over her losing streak, and has bagged an acting award on top of it. "You're good till your last performance. Mahirap na wala tayong trabaho, kaya kung may trabaho huwag tayong magpabaya," she warns.


Nangyari na rin daw kay Odette Khan na sa kawalan ng TV o movie projects ay naisanla niya ang lahat ng mga alahas niya.

Sambit niya noong presscon ng Ang Forever Ko'y Ikaw nitong March 1, “2013, nung wala akong work, na-stroke ako.”

Hindi na matandaan ni Odette kung ilang pirasong alahas ang isinangla niya.

“Marami-rami! Malaking amount, hindi ko na matandaan.

“Hilig ko noon ang alahas, bili ako nang bili sa Ongpin.”

Hindi naman raw siya nahihiyang malaman ng iba na nagsangla siya ng mga alahas.

“Wala akong dapat ikahiya, akin yun, e, I have to be honest to myself and to the public.”

Taon rin daw ang lumipas bago niya natubos paunti-unti ang lahat ng mga alahas niya sa isang pawnshop.

“And ni minsan hindi ako na-late sa pagbabayad ng interes kaya walang naremata.

“I would even tell them, give me three days before kung due kasi minsan out-of-town ako, pag hindi, bahala kayo.”

ACTIVE AGAIN. Napapanood na muli si Odette sa telebisyon at pelikula, at kamakailan nga ay natanggap ng character actress ang pinakaunang acting award niya.

Itinanghal siya na Movie Supporting Actress of the Year para sa indie movie na Bar Boys sa PMPC’s 34th Star Awards for Movies nitong February 18.

Nominated sa FAMAS para sa pelikulang Kahit Ako’y Lupa (1981) ang natatandaan lamang ni Odette na pagkilala sa kanyang acting, pati na rin ang isang parangal mula sa Gawad Tanglaw.

Kaya nang tawagin ang pangalan niya bilang nanalo sa Star Awards ay halos wala raw siyang narinig.

“Parang nabingi ako ’tapos nung lumalakad na ako papunta sa stage parang nagpu-float ako na hindi ko maintindihan.  

“Nung nasa stage na ako kinukontrol ko ang sarili ko, kasi kung nalunod ako sa emosyon ko baka hindi ako nakapagsalita.”

Maging ang suot raw niyang damit during the awards night ay matagal na niyang inihanda sakali ngang darating ang araw na magkakaroon siya ng award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtanong ba siya na sa tagal na niya sa showbiz ay ngayon lang siya nagwaging Movie Supporting Actress?

Tugon ni Odette, “No more questions, trabaho natin ‘yan, e, you’re good till your last performance.

“Kung hindi ako nagka-award, alam ko na okey ang trabaho ko, okey ang puso ko, malinis!

“Kasi binabayaran ako para umarte, iyon lang.”

FOREVER KONTRABIDA. Sikat na kontrabida si Odette, meron pa bang artista na nais na apihin siya sa harap ng kamera?

“Parang wala na yata, pera na lang ang gusto kong matanggap,” ang tumatawang bulalas ng aktres.

“Basta bayaran ako, aapihin ko kung sino ang gusto ng direktor at ng producer.

“Mas mahirap na wala tayong trabaho, kaya kung may trabaho, huwag tayong magpabaya.”

Dugtong pa niya, “Malakas ako sa puyatan.”

Per show ang kontrata ni Odette sa GMA, pagkatapos sa Ika-6 na Utos ay inilagay siya agad sa Ang Forever Ko’y Ikaw.

“From Loleng to Taneneng,” sinabi ni Odette tungkol sa mga roles niya sa dalawang nabanggit na shows ng GMA.

Mga bida sa Forever Ko’y Ikaw sina Camille Prats at Neil Ryan Sese.

Nasa cast rin sina Ayra Mariano; Bruno Gabriel; Archie Alemania; Cai Cortez, at Jude Paolo Diangson.

Ito ay sa direksyon nina Tata Betita at Jojo Nones.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN