Is Toni Gonzaga willing to work again with John Lloyd Cruz?

IMAGE Noel Orsal

Toni Gonzaga on working with John Lloyd Cruz, "Open ako kung ano ang mangyari."


Inamin ni Toni Gonzaga na nagbago na ang format ng weekly family sitcom na Home Sweetie Home.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kamakailan, sinabi ni Toni na, “Bago na yung format ng show, it’s a modern family.

“Kasama namin si Piolo, na may anak siya. 'Tapos si Kuya Ogie is also part of the family, si Peach na single mom na kapitbahay namin.

“Parang it’s a family community, ganyan.”

Kaugnay ng mga pagbabagong ito, posible pa rin kaya na makabalik sa programa si John Lloyd Cruz, na gumaganap noon bilang asawa niya.

Matatandaang nawala sa Home Sweetie Home si John Lloyd nang magdeklara ito ng indefinite leave mula sa showbiz. Siya ay pansamantalang pinalitan ni Piolo Pascual bilang lead actor ng show.

“Yes, open ako kung ano ang mangyari,” maiksing sagot ni Toni.

Kasabay rin ni John Lloyd, nawala rin ang isa pa nilang co-actor, si Ellen Adarna. May bali-balitang sa susunod na buwan na isisilang ang magiging anak nila ni John Lloyd.

Sa ngayon, wala raw balita si Toni at mga kasamahan sa show tungkol sa pagbubuntis ni Ellen.

“Di ko na alam, actually wala akong balita, di ko alam kung ano ang latest.

“Yun nga ang narinig ko pero wala pa naman silang confirmation, so wala talaga tayong alam kung ano ang totoo,” sabi ni Toni.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN