GMA-7 headwriter Suzette Doctolero slams depiction of babaylans in ABS-CBN's Bagani

IMAGE GMA Network / ABS-CBN

GMA-7 headwriter Suzette Doctolero (left) on depiction of babaylan, as portrayed by Dimples Romana (right), in ABS-CBN's Bagani: "I know I'm not supposed to critique yung trabaho ng kapwa writer, so forgive me. Pero as a Filipino, I really find it revolting and inappropriate the way this idiotic writer depicts the babaylans."



Nasusulasok si Suzette Doctolero, headwriter/creative consultant ng GMA-7, sa pagkakalarawan sa babaylan sa ABS-CBN fantaserye na Bagani.


Si Dimples Romana ang gumaganap na punong babaylan sa prime-time series na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Liza Soberano, at Matteo Guidicelli.

“To be fair, maganda ang direction,” sabi ni Suzette sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook, ngayong araw, April 20.

“They have capable and talented actors/stars. Dimples is a good actress.

“I know I’m not supposed to critique yung trabaho ng kapwa writer, so forgive me.

"Pero as a Filipino, I really find it revolting and inappropriate the way this idiotic writer depicts the babaylans.

“T*ng ina. Magbasa siya ng libro!”

May mga aklat si Suzette tungkol sa mga babaylan.

Hindi nabibili ang mga ito sa National Book Store, kundi sa UP Press.

Handa raw siyang ipahiram ang mga ito.

Si Suzette din ang nagsulat ng TV series na Amaya (2011), pinagbidahan ni Marian Rivera, kung saan pinag-ingatan niya ang characterization ng mga babaylan.

Pagpapatuloy ni Suzette, “Bata ang target audience.

"Pag ignorante ang palabas, lalo at may kinalaman sa ating mga epiko, kultura at kasaysayan, ano ang epekto nito sa bata?

“Iisipin nila... mga baliw ang babaylan?

“Writers, lalo na yung magtatangka to write something about our history o culture, dapat armasado ng research. Malaking responsabilidad ito.

“Kung hindi siya seryoso, dapat mag-stick siya sa pagsusulat ng comedy lang o drama o porn. Mas bagay siya doon.”

Ang mga naka-credit na writers ng Bagani ay sina Enrique Villasis, Akeem Del Rosario, at Mae Rose Balanay.

WHAT IS A BABAYLAN? Ipinaliwanag ni Suzette sa Facebook page niya kung ano ang babaylan:

“Seer, doctor, spiritual adviser, katungkulang laan para sa isang babae (o lalaking ina-identify ang sarili bilang isang babae).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maaari rin siyang anak ng datu na binukot (angat sa karamihan kaya natatangi) na biniyayaan ng mga naturang kakayahan o kapangyarihan.

“Maaari rin siyang isang oral enchantress (kasama ng mga mangangayaw o mandirigmang lulusob sa isang bayan para mamirata at ‘yan ang gagawin niya habang naglalakbay sila — ang awitin ang kapangyarihan o power ng kanilang pinuno para manghilakbot, matakot, humanga ang sinumang makarinig).

“Ang babaylan ang pinakamataas na katungkukan ng isang babae sa isang banwa (bayan). Katumbas ito ng isang datu, o political leader sa mga lalaki.

“Ang pinakamataas na uri ng babaylan ay isang babaylang bungaitan. Ito ay pinaniniwalaang nakakagawa na ng mga milagro.

“May mga tala na nakakalakad sila sa tubig (this is before naging Kristiyano o katoliko ang Pilipinas kaya hindi ito haka-hakang inangkop mula sa Bibliya).

“Pakiusap na maging maingat tayo sa pagsusulat lalo na at mula sa ating mayamang kultura.

“Utang na loob. Huwag nating gawing kalokohan lalo at maraming batang nanonood. Hindi ito katatawanan.”

Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga writer at iba pang may kinalaman sa Bagani kaugnay ng mga pahayag ni Suzette Doctolero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN