Sylvia Sanchez bags 1st Gawad Pasado acting award

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez on bagging Pinakapasadong Aktres sa Teleserye award in recently-concluded 20th Gawad Pasado awards for her noteworthy performance in ABS-CBN's Hanggang Saan: "Masarap, masaya kasi bonus lagi 'yan sa binibigay namin. Ibig sabihin napansin yung ginawa mo."


Sa darating na 2018 Gawad Pasado awards ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) sa May 19 ay gagawaran si Sylvia Sanchez bilang Pinakapasadong Aktres sa Teleserye para sa mahusay na pagganap niya sa seryeng Hanggang Saan.

Ito ang kauna-unahang award na nakamit ni Sylvia para sa seryeng Hanggang Saan matapos ang sunud-sunod na pagkapanalo at pagkilala naman sa husay niya sa pinagbidahang seryeng The Greatest Love.

Ayon nga sa aktres sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang finale presscon ng Hanggang Saan na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN noong nakaraang April 17, nagpahayag siya ng kasiyahan dahil sa pagkilala sa husay na ipinakita niya sa papatapos ng serye.

Lahad niya, “Masarap, masaya kasi bonus lagi ‘yan sa binibigay namin.

“Ibig sabihin napansin yung ginawa mo.

“Itong ginawa ko, di ako nagkamali at maayos ang pagkaganap ko kasi mayroong nakapansin.

“Mas mabilis nga ito, e. Mas mabilis itong nagkaroon pero yung Greatest [The Greatest Love] nung nagkaroon, sunud-sunod naman.”

HANGGANG SAAN ENDING. Mixed emotions naman ang nararamdaman ni Sylvia sa nalalapit na pagtatapos ng Hanggang Saan.

Pag-amin niya, “Siyempre malungkot, kasi matatapos na.

“Mami-miss ko ang mga katrabaho ko, mami-miss ko yung production, mami-miss ko yung Monday, Wednesday and Friday na routine ko na gumigising nang maaga at makakasama ko sila.

“Yun ang mga mami-miss ko pero masaya ako, kasi ibig sabihin na nag-close ito, mayroon namang darating. Mayroon at mayroon ‘yan.”

Pagkukuwento ng aktres, malaki ang naging impact sa kanya at sa career niya ng Hanggang Saan at ng role na ginampanan niya dito bilang Nanay Sonya.

Aniya, “Siyempre malaki ang impact, after The Greatest Love as Gloria, pinagkatiwalaan ako as Sonya.

“Ayokong sayangin yun, ayokong basta-basta na lang tanggap nang tanggap na dumating sa point na iisa na lang ang acting ko, nakakahon na.

“Gusto kong magpahinga, gusto kong ayusin, gusto kong i-charge muna ang baterya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa susunod may, io-offer na naman akong bago, bagong atake, bagong hitsura.”

WORKING WITH SON ARJO. Malaki din ang pasasalamat ni Sylvia sa Hanggang Saan kung saan nakasama at nakatrabaho niya ang anak na si Arjo Atayde.

Sa Hangang Saan nga ay nakilala ng aktres ang anak bilang aktor at hindi bilang anak lang.

Tugon niya, “Hindi dahil anak ko si Arjo, pero magaling siya.

“Yun lang ang sinasabi ko sa kanya, 'Nak, may puso si Arjo umarte, natural siyang umarte.'

“Sinabi ko, 'Mamahalin mo ang trabaho mo, be professional, wag kang pasaway. Wala kang pupuntahan kungdi aangat ka.'”

“Siyempre masaya kasi parati kaming busy ni Arjo, mas nakilala ko din siya as an actor.

“Di ko siya kilala as an actor before, kilala ko siya as Arjo my son.

“Dito ko siya nakilala as an actor, yung aktor na Arjo Atayde.”

WELL-DESERVED REST. Magpapahinga muna pansamantala sa paggawa ng serye si Sylvia upang magbigay din ng oras sa kaniyang pamilya.

Patuloy niya, “This time, pahinga muna sa teleserye.

“Puwede akong tumanggap ng teleserye pero siguro mga November.

“Pahinga muna, charge muna ang baterya ko.

“Almost two years din akong almost everyday, e. Gusto ko munang huminga.

“Pahinga muna ako para sa pamilya ko lalo na sa mga anak ko.

“Yung dalawa, tututukan ko muna.

“May gagawin akong pelikula na na-oohan.

“Okay lang naman yun. Ilang araw lang yun, ten days lang yun.

“Isang indie, isang mainstream.”

SOFIA ATTITUDE PROBLEM. Gumanap bilang ina ni Sofia Andres sa pelikulang Mama’s Girl ng Regal Films.

Nang hingan namin ng reaksyon si Sylvia tungkol sa attitude problem ng young star na si Sofia Andres, dinepensahan naman niya ito.

Paliwanag ng beteranang aktres, “Kasi ganito sa akin si Sofia, mabait siyang bata, maayos siya, wala siyang problema.

“Ako dini-diretso ko kahit na sino, 'Hoy, mayroon kang attitude,' dinidiretso ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako nangdidiretso ako ng tao, pero yung nakikita ng iba kay Sofia, ibang tao yun, so di ko masasagot yun.

“Sa akin mabait siya, marespeto siya sa akin. Kung yung iba nakikitaan siya ng negatibo, sa kanila yun, out ako dun.”

“Actually, kinausap ko siya, 'Nak, ingat 'nak.”

“Pinapayuhan ko naman siya. pero di ba. hanggang advice lang naman tayo?

“Magga-guide lang ako. At the end of the day, ikaw pa rin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN