ABS-CBN, GMA-7 honored at 2018 Reader's Digest Trusted Brand Awards

IMAGE From Instagram account of Noel Ferrer

(L-R) Jessica Soho, Mike Enriquez, and Ryan Agoncillo were among the personalities honored at the 20th Reader's Digest Trusted Brand Awards.


Ang ABS-CBN at ang GMA-7 ay nakatanggap ng parangal sa 2018 Reader’s Digest Trusted Brand Awards.

Ginanap ang awarding ceremonies kagabi, April 26, sa Marco Polo Hotel sa Pasig.

Bukod sa mga brands at mga kumpanya, kinilala rin ang mga personalities sa entertainment at media industry sa ika-20 edition ng nasabing event.

Isa ito sa maituturing na prestihiyosong award na puwedeng matanggap ng isang celebrity. Kabilang sa mga kinilala ang Most Trusted TV News Presenter, Radio Presenter, at Entertainment Presenter.

Ngayong 2018, nakuha ni Jessica Soho ang kanyang 8th Most Trusted TV News Presenter award. Sa loob ng walong taon, nakuha ng GMA News pillar ang naturang parangal.

Si Mike Enriquez, GMA Consultant for Radio Operations at RGMA President, ang Most Trusted Radio Presenter sa ikatlong consecutive year.

Ang Eat Bulaga host na si Ryan Agoncillo ang kinilala bilang Most Trusted Entertainment/ Variety Show Presenter. Hindi siya nakadalo sa awarding dahil nasa Italy siya para sa kanilang annual wedding anniversary celebration kasama ang kanyang asawa na si Judy Ann Santos.

Around 8,000 individuals ang lumahok sa survey na ginawa sa 5 key markets ng region: Singapore, Malaysia, Hong Kong, Taiwan, and the Philippines.

Sa Pilipinas, around 4,000 respondents ang nag-participate sa Trusted Brand Survey.

Ang ABS-CBN Corporation at ang GMA Network ang ilan sa mga napili bilang most trusted brands sa Philippines base sa survey na ginawa ng Reader's Digest.

Ang bawat respondent ay sumagot ng questionnaire kunsaan nagbigay sila ng rating sa bawat brand base sa Trustworthiness, Credibility, Quality, Value, Understanding of Customer Needs, Innovation, at Social Responsibility.

Parehong nakuha ng Kapamilya at Kapuso Networks ang Platinum Trusted Brand Award sa TV Network category.

Base sa official website ng Reader's Digest Asia, ang ABS-CBN ang "Philippines’ leading media and entertainment organization."

Ito ang description para sa kumpanya na pagmamay-ari ng Lopez family: "The Company is primarily involved in content creation and production for various media including television, online and over the top platforms, cable, satellite, cinema, live events and radio for domestic and international markets."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Part ng description tungkol sa GMA-7 ay ang sumusunod: "It launched its digital TV signal for its free-to-air channels GMA and GMA News TV in Metro Manila and nearby provinces in Luzon, including Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Bulacan, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, and Tarlac. Soon, its digital TV signal will also be available in Cebu and Davao."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN