Robin Padilla draws flak once again for sexist comment on Pilipinas Got Talent

IMAGE Screengrab from Pilipinas Got Talent 2018/ABS-CBN

Robin Padilla at the grand finals night of Pilipinas Got Talent 2018 at Bren Z Guiao Convention Center in San Fernando, Pampanga on Saturday, April 28.


Muling umani ng pambabatikos mula sa netizens ang ABS-CBN actor na si Robin Padilla dahil sa diumano'y sexist comment nito tungkol sa isang grand finalist ng Pilipinas Got Talent 2018.

Kagabi, April 28, ginanap ang finale performances ng sampung finalists ng nasabing talent competition sa Bren Z Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Isa sa finalists ang spiral pole dancer na si Kristel De Catalina.

Matapos ang performance ni Kristel, isa-isang nagbigay ng komento ang mga hurado na kinabibilangan ni Robin, Vice Ganda, at Angel Locsin.

Unang nagbigay ng komento si Robin at napahanga ito sa ipinamalas na talento ng single mom mula sa Antipolo City.

Sabi ni Robin, "Alam mo yung mga ginagawa mo delikado pero gusto kong malaman mo, kahit isang beses hindi ako ninerbyos.

"Dahil alam ko napakagaling mo, napakahusay mo. Kung papano ka kumakapit diyan sa kinakapitan mo, iisa kayo, hindi ka lumalayo sa kanila."

Patuloy pa nito, "At gusto ko lang malaman mo na gustung-gusto ko, na merong nag-assist sa 'yong lalaki ngayon.

"Isang malaking bagay na ang assistant mo, may lalaki diyan sa baba.

"Hindi man katabi mo pero assistant mo. Maraming salamat sa 'yo, ang galing mo."

Sumunod namang nagbigay ng kanyang komento si Angel na napabilib din sa performance ni Kristel.

Aniya, "Bawat performance mo, nile-level up mo. Yung mga akala namin na, 'Ay yun na yung pinaka-best niya.'

"Babalik ka sa stage at lalamunin mo ng buong-buo yung stage.

"Para kang halimaw sa stage na pinakitaan mo kami ng bago na imposibleng higitan mo pa yung last performance mo."

Tuwang-tuwa naman si Vice Ganda sa husay ng talento ni Kristel lalo't ito ang pumindot ng Golden Buzzer upang mapabilang siya sa mga finalists.

Bahagi ng komento ni Vice Ganda kay Kristel, "Naniniwala ako na isa ka sa pinakamahuhusay ngayon gabing ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung ginawa mo kanina sa  taas ka na pabalik-balik ka lang ganun-ganun, yun ay isang malaking simbolismo naman para sa akin.

"Sumisimbolo yun sa ilang beses tayong pinaikot-ikot ng ibang tao pero pagkatapos ng lahat tatayo tayo.

"Mula sa pagkakayuko, itataas ang noo at patuloy tayong lalaban. Yan ang ginawa mo."

"SEXIST" COMMENT. Samantala, hindi naman nagustuhan ng ilang netizens sa isang bahagi ng komento ni Robin kay Kristel.

Ilan sa kanila ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa Twitter.

May ilan ding nagpahayag ng kanilang suporta kay Robin.
Narito ang performance ni Kristel sa Pilipinas Got Talent 2018 grand finals:
Bukas naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Robin Padilla tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN