Mike Enriquez on DZBB being number 1: "Ang pinagbabasehan ng claim namin ay ang report ng Nielsen."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Mike Enriquez, senior vice president ng GMA Network for radio, merong research na nagpapatunay na ang DZBB ay nangunguna sa mga programa nito sa umaga sa buong Mega Manila. 


Halos lahat ng mga TV at radio stations saan mang dako ng bansa ay nagsasabing sila ang number one.

Ang dalawang pinakasikat na radio stations naman sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon na DZMM (ABS-CBN) at DZBB (GMA) ay parehong nagsasabing sila ang number 1.

Sa first anniversary presscon ng Dobol B sa News TV, ipinaliwanag ni Mike Enriquez, ang senior vice president for Radio ng GMA Network, na may datus sila na magpapatunay na ang kanilang mga programa sa radio ay nangunguna pagdating sa ratings.

Kuwento ng 24 Oras host, “Hindi nga lang puwede pero ang pinagbabasehan ng claim namin ay ang report ng Nielsen.

“Ang research ha magastos ha, yung magbayad ka ng lehitimong research. Dalawa ‘yan, e, may Nielsen, may Kantar.

“Ewan ko kung anong ginagamit nila, kami ang ginagamit namin Nielsen. Globally, ‘pag sinabi mong Nielsen, parang ‘pag sinabi mong… pardon, for example, Reader’s Digest, o, di ba?

“And you can...at anytime puwede naming ipakita kaya lang hindi puwede.”

Base sa data na ipinamahagi sa presscon, ang DZBB weekday morning time block (mula 6 am-11 am) ay nangunguna sa Mega Manila sa fourth quarter ng 2017.

Ayon sa Nielsen Radio Audience Measurement survey, may 37.40% average audience share ang DZBB kumpara sa 30.20% ng DZMM.

Sa unang quarter naman ng 2018, nakakuha naman ang DZBB ng 35.40% ratings laban sa 30.30% ng DZMM.

Dagdag pa ni Mike, ang tiwala ng mga advertisers sa isang istasyon at programa ang basehan na sila nga ay mas pinagkakatiwalaan ng mga tao.

Aniya, “E, isa pang proof diyan sa credibility ay yung advertisers, each and every peso na nilalagay nila sa mga stations, sa programs, ay sukat na sukat.

“Meron silang scientific method na ginagamit. Para masigurado na yung kanilang advertising money ay magagastos sa tama. Alam nila ‘yan.”

Hindi naman kinumpirma ni Mike ang haka-haka na baka magiging 24/7 na ang mga programa ng DZBB na mapapanood sa GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Wala kaming sinasabi ha. Di ba, totoo na maraming oras sa relo at maraming araw sa isang linggo, yun ang sinasabi ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN