Does Katrina Halili have plans of jumping networks?

Katrina Halili is now a GMA-7 artist for 15 years, and she has no plans of transferring networks. She told PEP, "Hindi naman nila ko pinapabayaan...happy ako rito."



Simula noong sumali siya sa StarStruck, labing-limang taon nang nasa GMA-7 si Katrina Halili.

Ilan na ang kasabayan niya ang sumubok sa ibang network, pero siya ay nananatiling isang Kapuso.

Hindi ba niya nakikita ang sarili sa ganoong scenario?

“Lipatan? Hindi ko pa alam, wala pa, hindi ko pa nakikita,” sagot niya. 

“Kumbaga, Kapuso pa lang ang nagsa-shadow rito sa ano ko… pero siyempre, hindi ko pa alam. 

“Sa ngayon, Kapuso.”

Dugtong niya, “Wala namang pumapasok sa isip ko.

“Kasi, happy naman ako sa mga binibigay na projects sa akin ng GMA.

“Hindi naman nila ko pinapabayaan at never ko namang naisip na paano kung napunta 'ko run?

“Happy ako rito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina kamakailan sa taping ng GMA Afternoon Prime series na The Stepdaughters.

Sa serye ay nagiging mas “bad” na raw ang karakter niya bilang si Isabel.

“Nag-level-up na ang pagiging evil ni Isabel,” aniya.

“Mas masama. Kasi kung dati, parang petty-petty lang, inggit-inggit lang, ngayon meron ng mga buhay na tinatamaan.”

Nang huli namin siyang makausap noong nag-uumpisa pa lang ang serye ay natutuwa raw si Katrina na ang role niya ay may dahilan, at hindi gano'n kasama. 

Pero tulad nang sinabi niya, level-up na ang kasamaan ng karakter niya. Okay lang ba ito sa kanya?

“Oo kasi, ganun naman talaga normally ang mga soap.

“Habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang story, mas nagiging bad [ang kontrabida].”

Posible bang mas ma-challenge siya kapag ang ibinigay sa kanyang karakter ay yung mabait at inaapi?

“Mabait?” natawang sabi niya.

“Siguro mga one day shoot na lang.

“Parang mahirap yung iyak ka nang iyak, magang-maga yung mata mo.

“Yung Magpakailanman nga, two days lang pero wala kang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.”

Ang tinutukoy ni Katrina ay ang drama anthology kung saan madalas rin siyang mag-guest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagwi-wish pa rin ba siya ng mabait na role?

“Puwede naman, pero walang binibigay, e. Ito ang binibigay sa akin.

“Actually, okay lang naman sa akin. Masaya naman kasi siyang paglaruan.”

Masaya rin daw silang lahat sa ratings ng The Stepdaughters, taliwas sa ilang lumalabas na humina raw ang afternoon ngayon ng Kapuso network kumpara dati.

Ayon kay Katrina, “Happy kami, sobrang happy kami sa ratings.

“Marami ang nanonood at mataas ang ratings namin.

“Nakakatuwa, from the start hanggang ngayon, tumataas lang siya.”

Habang tumatagal, mas lalo raw silang nagiging malapit sa isa’t isa ng bawat cast member.

“Workshop pa lang, kampante na kami sa isa’t isa,” aniya.

Kung titingnan silang dalawa ni Megan Young, parang opposite ang personalidad o karakter nila.

“Akala niyo lang yun, sa personal sobra siyang kalog. 

“Para siyang baby. Actually, ako rin tinatawag niya kong baby.

“Para kaming mga bata lang. Hindi siya yung tahimik lang, makulit din siya.

“Hindi siya mahirap pakisamahan.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN