Who will Ken Chan save in case a catastrophic epidemic happens in real life?

Ken Chan on liking someone: "Pag may gusto akong tao, mas okay na yung sa amin na lang."



Ang bagong prime-time series ng GMA-7 ay isang sci-fi drama series na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez bilang sina Charity and Gregory Salvador.

Ang The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang virus na Monkey Virus Disease or MVD.

Ang sinumang ma-infect nito ay naging rabid at violent na mas masahol pa sa isang asong ulol.

Tinanong namin ang isa sa mga bida na si Ken Chan: kung magkakatotooo ang kuwento ng The Cure at kakalat ang epidemiya at may isang tao lang siya na ililigtas (bukod sa pamilya niya), sino iyon?

“Isa lang? Mahirap 'yan, ha.

“Isang tao lang talaga?

“Siyempre kung sino yung mahal ko sa buhay.”

Karelasyon ang tinutukoy ni Ken, at nagkataong sa ngayon ay loveless siya.

“Kaya ngayon, kung sakali, wala kong maililigtas,” at tumawa si Ken.

“Pero kung meron man akong ililigtas siyempre iyon. Ngayon wala, e.”

Gumaganap si Ken sa The Cure bilang doctor na si Josh Lazaro.

Ang The Cure ay pinagbibidahan rin nina Jaclyn Jose bilang Dr. Evangeline Lazaro, Mark Herras bilang Darius, LJ Reyes bilang Katrina, Jay Manalo bilang Fernan, Irma Adlawan bilang Agnes, Ronnie Henares bilang Eduardo, Glenda Garcia bilang Lorna, Diva Montelaba bilang Suzy, Arra San Agustin bilang Anna, at Leanne Bautista bilang Hope.

Sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes, ang The Cure ay napapanood gabi-gabi bilang kapalit ng Sherlock Jr.

Special participation si Ken sa show at hindi pa niya alam kung gaano kahaba ang papel niya.

Wala raw nililigawan si Ken ngayon.

Kaya natsitsismis tuloy siya na bading.

Ayaw naman niya na dahil sa mga tsismis ay pipilitin niyang manligaw kahit wala pa siyang nagugustuhang babae.

“Oo. Hindi ganun, e. Kung meron man akong magugustuhan, alam mo yun, okay lang kahit ano ang isipin ng mga tao, basta ako, pag may gusto akong tao, mas okay na yung sa amin na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In a relationship si Ken noong ginagawa niya ang Destiny Rose at karelasyon niya ang isang commercial model na dati niyang kaklase.

Kapag nagkaroon siya ng relasyon, isisikreto ba niya?

“Hindi ko ililihim. Ayoko lang nung pag-uusapan na masyado.

“Yung, tama lang.”

Samantala, nakapunta na sa Boracay si Ken, at bilang isang beach person, ikinalungkot niya ang pagsasara nito simula April 26 na tatagal ng anim na buwan para i-rehabilitate ang island paradise.

“Masarap sa Boracay, e. Nakakalungkot. Alam mo yung pag nakagawian na pag Labor Day, Laboracay.”

Ngayong 2018, sa unang pagkakataon ay walang naganap na Laboracay, na taunang malakihang party sa buong isla tuwing sasapit ang Labor Day.

Noong 2014 ay nasa Laboracay celebration si Ken.

“Ang nakakatuwa kasi sa Laboracay kung sino yung mga kaibigan mo dito sa Metro Manila, nandun din,” at natawa si Ken.

Nalulungkot man siya, para kay Ken ay tama ang pansamantalang pagsasara ng naturang isla.

“Tama! Sayang ang Boracay, e! Nung nagpunta ako nung 2014, ano ba yung mga nakita ko? Madumi na. May nakita pa nga akong condom sa beach!”

Biro namin kay Ken, baka sa kanya ang natagpuan niyang used condom sa beach?

“Hindi yung sa akin, itinapon ko ng maayos… joke lang, joke lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN