Tom Rodriguez compares planning a wedding to preparing for a TV show or movie

Tom Rodriguez says he waited a long time for a role like the one he plays on The Cure. In this GMA-7 prime-time show, Tom is paired with Jennylyn Mercado (left).


Walang takot si Tom Rodriguez sa mga mahihirap na action at fight scenes niya sa The Cure.

May eksenang nakikipag-fight scene siya sa loob ng isang umaandar na truck, at never nagpa-double ang Kapuso actor.

“Ang sarap ngang gawin yung mga ganun, e,” bulalas ni Tom.

“Enjoy nga akong gawin, sobra.”

Kahit may mga sugat at pasa si Tom sa katawan ay hindi niya iniinda. Biro pa nito, insured naman daw siya.

“Sayang ang binabayaran [sa insurance] kung hindi [magagamit]! Joke lang” at tumawa si Tom.

“Maingat naman ako.”

Bata pa lang daw siya ay mahilig na si Tom sa martial arts at boxing.

Matagal daw niyang hinintay ang role na tulad ng papel niya as Gregory Salvador sa The Cure.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom noong Biyernes, May 18, sa taping ng The Cure sa Golden Hills sa Antipolo.

MARRIAGE PLANS. Samantala, apat na taon na ang relasyon nina Tom at Carla Abellana, kaya madalas silang matanong tungkol sa plano nilang pagpapakasal. 

“Siyempre may balak naman lagi, e,” sagot ni Tom.

Mukhang mas mauuna silang magpakasal ni Carla kaysa kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo?

“Baka,” ang nakangiting sagot niya.

Matalik na magkaibigan sina Tom at Dennis, at iisa rin ang manager nila na si Popoy Caritativo. Magkapareha naman sina Tom at Jennylyn sa The Cure.

May time frame na ba sina Tom at Carla sa kanilang pagpapakasal?

Paliwanag ni Tom, “Hindi naman siya yung parang journey or isasabay mo sa kunwari mape-pressure ka dahil matagal na. Siyempre we’re basing it on our own internal clock pareho.

“Parang pag alam naming yung goal, mag-a-align. Iyon lang ang masasabi ko, as far as time, parang premature.”

Inihalintulad ni Tom ang pagpaplano sa pagpapakasal sa paggawa ng isang TV show o pelikula.

Paliwanag niya, “Parang pag inano mo na, paano pag may shortcut kayo sa preparasyon dahil para lang movie o TV show na kailangang mai-air na, hindi mo mapulido tuloy kasi nakatali ka na sa airing date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kina-can muna namin, canned,” at muling tumawa si Tom.

Aminado naman si Tom na may pressure sa kanya kahit papaano na hindi pa sila nagpapakasal ni Carla

“Siyempre may pressure sa akin personally na we’re not getting any younger, both of us naman are doing our part regarding that.”

At nag-e-enjoy pa naman daw sila ni Carla as boyfriend-girlfriend.

“As in sobrang okay lahat. I don’t see her as a girlfriend, she’s my partner!

“She’s not JUST my girlfriend, she’s my partner!”

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN