Ikinainis nang husto ng netizens ang hindi pagpili ng limang hurado sa It’s Showtime Tawag ng Tanghalan (TNT) sa isang resbaker na itinuturing nilang mas deserving na maka-advance sa next round.
Sa TNT segment ng ABS-CBN noontime show ngayong May 22, kailangang mamili ang dalawang may hawak ng Seat of Power na sina JM Bales at Douglas Dagal ng dalawang resbaker na magtatapatan sa tanghalan.
Ang unang pumili ay si Douglas at ang napili niya ang resbaker na si Ato Arman. Si JM naman ang napili ay ang ultimate resbaker na si Aila Santos.
Ang kinanta ni Ato ay "Never Surrender" ni Corey Hart. Samantala, ang "Through The Fire" naman ni Chaka Khan ang kinanta ni Aila.
Parehong maganda ang performances ng dalawang ultimate resbaker kaya naman tinawag ni Vice Ganda na parang grand finals na daw ang showdown ng dalawa.
Makikita rin sa studio na nagkaroon ng diskusyon ang mga hurado na sina Jaya, Kyla, Yeng Constantino, Erik Santos, at Rey Valera kung sino sa dalawa ang mananalo sa araw na ito at hahamon sa isa sa mga may hawak ng Seat of Power.
Paliwanag ni Jaya sa kanyang ibinoto sa pagitan nina Ato at Aila, “Let me just say lahat kayo magaling. For me ang desisyon… ang nakita ko lang naman ay parehong inayos ang pagkanta kasi nga it could be the last day that this person would sing.
“Parehong kanta ito na alam na nila, alam na nila ito, pang malakasan na nila ito. But what matters to me today, sino ba yung malinis? Sino ba yung malinis ang pagkaka-deliver. That matters. Talent matters. Not the screams. Not the accolades, not the… sinong maraming votes but its who did well today. Ang yun ang nasa akin.”
Sinegundahan naman ni Kyla ang pananaw ni Jaya. Saad niya, “Both of them gave a very impressive performance. Very well-conceived… but kailangan kong pumili between ng isang napakalinis na pagkakanta and almost walang error… and the other one ay yung punung-puno ng spirit, energy, and emotions.
"Kaya nga hati yung puso ko. But I have to choose. This person na pinili ko, hindi ko madi-deny, e, sa puso ko, it was a first-class act performance.”
Ganun din ang pananaw ni Yeng na yung ibinoto niya ay yung may pinakamalinis na performance.
Ibinoto naman ni Erik ang resbaker kung saan naramdaman niya ang sinseridad ng pagkanta nito.
Sa huli, ang napili ng hurado ay si Ato.
Sa second round naman, pinili ni Ato na makalaban si Douglas na may hawak ng isang Seat of Power.
Kinanta ni Douglas ang "Superstar" ng The Carpenters, samantala ang inawit naman ni Ato ay ang "Dukha" ni Freddie Aguilar.
Sa combined text at votes ng hurado at madlang people na 90.40 percent, naagaw ni Ato ang isang Seat of Power mula kay Douglas.
NETIZENS REACTIONS. Habang ongoing pa ang It’s Showtime ay nag-trending na kaagad si Aila sa Twitter. Top trending topic rin ang hashtag na #ShowtimeTodoResbak.
Ibinuhos ng netizens ang pagkadismaya nila sa hindi pagkapili ni Aila at sa halip ay si Ato ang nag-advance sa singing competition.
Narito ang ilan nilang reaksiyon:
After @iamailasantos Aila Santos Lost, I found out that nagiging basher na pala ako sa showtime!!!! affected lang po sa decision ng hurado. HAHHAHHA pkilagyan po naman ng malaking puso ang criteria and cleanliness.. hahaha para di po kami aasa next. #ShowtimeTodoResbak
— Edho Ampoloquio Linguez (@edho_linguez) May 22, 2018
Respect daw desisyon ng mga judges. Taena mas magaling pa nga yung contestants kaysa sa kanila. Aila Santos Parin #ShowtimeTodoResbak
— Justine De Jose (@015_justine) May 22, 2018
Bumoto po ako kay Ms. Aila Santos pero yan po reply ng mga Hurados!!!! ???????????????????????????????? #ShowtimeTodoResbak pic.twitter.com/oinGu3lgF3
— Ghill De Villa (@ghillrn05) May 22, 2018
Troot, at yung mukha talaga ni Douglas talagang dismayado na natanggal siya!Hindi ko talaga maintindihan bakit natanggal si Aila Santos na obviously talo si Ato Arman sa round na yun!The judges obviously may favoritism, Life is so unfair
— Kendi Thomas Ferolen® (@KandyFerolino) May 22, 2018
Si Aila Santos ilagay mo sa competitions sa USA, UK khit saan maappreciate siya. Pero itong ibang hurado ng TNT, kayo yung humahadlang sa world-class Filipino talent. Ano, iintayin niyo pa siya sumikat sa ibang bansa? Kayo yung nagpopromote ng crab mentality.#ShowtimeTodoResbak
— The Stabilizer (@theStabilizers) May 22, 2018
Aila Santos for American Idol. Judges seem to hate her guts, opm taste over international songs not talent smh #ShowtimeTodoResbak
— Paul Uchi-Tubania (@jpauluchi_) May 22, 2018
Dontworry aila santos mas magaling k sa mga judge nayan kumanta,baka daw kasi mawalan sila ng carrer kya d ka pinanalo???? #ShowtimeTodoResbak
— Isabel? (@iamSzab) May 22, 2018
“JUST DON’T BASH.” Pagkatapos ng show, kaagad namang nag-tweet si Vice Ganda tungkol sa mainit na labanan sa "Tawag ng Tanghalan."
Saad niya, “Daming affected sa mga performances. It’s a good sign. Everyone is entitled to express. Just don’t bash ha. Good vibes lang. hayabayabayu!!! #ShowtimeTodoResbak."
Daming affected sa mga performances. It’s a good sign. Everyone is entitled to express. Just don’t bash ha. Good vibes lang. hayabayabayu!!! #ShowtimeTodoResbak
— jose marie viceral (@vicegandako) May 22, 2018
Si Aila naman ay nagpasalamat sa kanyang mga supporters. Sabi niya sa kanyang tweet, “Thank you so much everyone for the love and support! I love you all! Xoxo.”
Thank you so much everyone for the love and support! I love you all! xoxo
— Aila Santos (@iamailasantos) May 22, 2018