Ryza Cenon on transferring to ABS-CBN: "Pamilya talaga yung pagtanggap nila sa akin."

IMAGE Allan Sancon

Ryza Cenon (in photo) on Angel Locsin: "Nagkita kami uling magkapatid kasi magkapatid kami lagi sa mga shows."


Marami ang bumilib na mula sa kontrabida role bilang Georgia sa GMA-7 teleserye na Ika-6 Na Utos, isang maamo at mabait na Aubrey na Ryza Cenon ang napapanood sa ABS-CBN show na FPJ Ang Probinsyano.

Naipakita niya ang versatility at patunay na hindi nakahon sa isang role lang ang aktres.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Ryza sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation noong May 20, inamin sa amin ng aktres na malaking challenge para sa kanya ang ginagampang role sa Ang Probinsyano.

"Medyo mahirap siya, challenging siya kasi from mataas na Georgia biglang bagsak sa sweet lang, mabait na Aubrey.

Papayag pa rin ba si Ryza na gumanap ng kontrabida roles?

"Of course, I am still open."

Excited na excited na rin ang bagong Kapamilya para sa teleserye na sisimulan nila nina Maricel Soriano, Angel Locsin at iba pang powerhouse cast.

"Excited ako di lang sa bagong show kungdi yung mga makakasama ko sobrang bigatin. Medyo nakaka-pressure pero nae-excite ako, alam ko kasi na may matutunan ako galing sa kanila.

"Nanlamig ako kasi pagpasok ko dun sa room, pagtingin ko sa mga cast, 'Wow!'

"Siyempre flattered ako na makasama dun.

"Sundalo ang role ko."

Isa pa sa mas nakapagbigay ng excitement kay Ryza ay ang pagsasama nila muli ni Angel sa isang teleserye matapos nilang magkatrabaho dati sa sa GMA 7.

"Yes, nagkita kami uling magkapatid kasi magkapatid kami lagi sa mga shows. Na-excite ako kasi ang tagal ko na siyang di nakita.

"Maricel, di yata kami magkaka-eksena , more kila Ate Angel yata."

Halos isang buwan pa lang na lumipat sa ABS-CBN at naging isang certified Kapamilya, kuntento at masaya ang aktres sa maikling panahon pa lang niya na nilalagi sa Kapamilya network.

"Sobrang blessed ko na tanggapin nila ako ng buo, mainit saka pamilya talaga yung pagtanggap nila sa akin.

Sino naman ang mga stars na pangarap niyang makatrabaho?

"Dream? Kahit sino naman. Ang showbiz naman, ang liit lang ng mundo, gusto mong lahat 'yan ma-try, ma-explore lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinarangalan si Ryza bilang TV Supporting Actress of the Year sa 49th Box Office Entertainment Awards dahil sa mahusay na pagkakaganap niya sa Ika-6 Na Utos.

Para sa former Kapuso actress masarap sa pakiramdam na kinilala ang pinaghirapan niya.

"Yung paghihirap ko, lahat, nagbunga din. Ganun pala ang feeling pag pinaghirapan mo ang isang bagay tapos heto 'yung bunga. Sobrang nakaka-overwhelm."

Ang boyfriend niyang si Cholo Barretto, masaya sa magandang tinatakbo ng

relasyon nila ng kasintahan at magandang relasyon niya sa mga Barretto.
"Yun pa rin, strong pa rin. Ngayon kasi wala siya, ako muna ngayon.
"Sobrang sweet nilang lahat, mabait sila sa akin. 'Yun din welcome na

welcome ako sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN