Former child star Chesca Salcedo happy to rekindle TV career via Kambal, Karibal

by Ruel J. Mendoza
Jun 9, 2018
Former child star Chesca Salcedo feels blessed to be back on TV thanks to the Kapuso serye, Kambal Karibal: "Blessing po talaga itong show sa amin, lalo na po sa akin kasi nga po. Nakabalik ako ulit sa pag-arte sa TV."

Malaking blessing para sa dating child star na si Franchesca “Chesca” Salcedo ang pagkakasama niya sa GMA-7 teleserye na Kambal, Karibal bilang best friend ni Bianca Umali na si Nori.

Siya ang gumanap bilang si Cruzita, ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Philippine version ng Mexican telenovela na MariMar na umere sa Kapuso network noong 2007.

Five-years old lang si Chesca noong mag-audition siya at pumasa para sa role na Cruzita.

Pagkatapos ng MariMar, lumabas din si Chesca sa mga teleserye na Trudis Liit, Nita Negrita, Magic Palayok, Panday Kids, Rosalinda, Kakambal Ni Eliana at Amaya.

Lumabas din sa ilang shows sa TV5 si Chesca tulad ng Pidol’s Wonderland, Obsession, Enchanted Garden at Baker King.

Dumaan sa awkward stage si Chesca kaya tumigil muna ito sa showbiz at nag-concentrate sa kanyang pag-aaral.

“Dumalang po kasi yung pagdating ng projects kaya sa school muna po ako nag-focus.

Continue reading below ↓

“Scholar po kasi ako sa Angelicum College in Quezon City,” pahayag pa ni Chesca sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa set ng Kambal, Karibal sa Madison 101 Hotel sa Quezon City.

REKINDLING HER TV CAREER. Kaya laking tuwa ni Chesca nang bigla siya kunin para maging best friend ni Bianca sa Kambal, Karibal.

Na-miss daw kasi niya ang pag-arte sa TV.

“Parang nanibago lang po ako.

“Kasi ang tagal noong last time akong umarte sa harap ng kamera.

“Mabilis naman po ako nakapag-adjust ulit sa pag-arte kasi very supportive ang mga kasama ko parati sa mga eksena like si Bianca, Jeric [Gonzales], Miguel [Tanfelix], Pauline [Mendoza] at lalo na si Ms. Jean Garcia.

“Happy lang po kasi gusto ko po talagang umarte at hindi ko inasahan na makakabalik ulit ako sa GMA-7 kunsaan ako magsimula,” ngiti pa ni Chesca.

Continue reading below ↓

“FRENNY.” Nagugulat lang daw ang 16-year old teen actress dahil may mga nakakaalala pa sa kanya sa pagganap niya bilang Cruzita sa MariMar. Yung iba naman daw ay “Frenny” ang tawag sa kanya.

Pag-amin niya, “Sa totoo lang po, wala na akong maalala masyado noong nag-MariMar po ako.

“As in, kasi batang-bata pa po ako noon.

“Kahit yung ibang shows ko before, hindi ko na masyadong ma-recall ang mga pinaggagawa ko noon.

“Pero may mga bumabati pa rin sa akin na Cruzita. Kilala pa rin nila ako dahil sa MariMar.

“Nakakatuwa yung iba kasi tawag nila sa akin ngayon ay 'Frenny.' Kasi yung ang tawag ko kay Bianca sa show.”

THANKFUL FOR SHOW EXTENSION. Dahil extended for another season ang Kambal, Karibal, masaya si Chesca dahil tatagal pa raw ang pagsasama nilang lahat sa show.

Makikita sa mga posts ni Chesca sa kanyang Instagram account kung gaano siya ka-close mga co-stars niya sa Kambal, Karibal na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Jeric Gonzales at Kyline Alcantara.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

“Blessing po talaga itong show sa amin, lalo na po sa akin kasi nga po.

“Nakabalik ako ulit sa pag-arte sa TV.

“Tsaka ginugulat kaming lahat sa takbo ng istorya.

“Kaya excited kaming mag-taping kasi hindi namin ini-expect yung mga kukunan na eksena.

“Thankful po ako sa GMA-7 kasi nabigyan nila ako ulit ng chance na umarte ulit,” pagtatapos ni Chesca

Read Next
Read More Stories About
Kambal Karibal, Marimar
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child star Chesca Salcedo feels blessed to be back on TV thanks to the Kapuso serye, Kambal Karibal: "Blessing po talaga itong show sa amin, lalo na po sa akin kasi nga po. Nakabalik ako ulit sa pag-arte sa TV."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results