Judy Ann Santos reveals motivation for creating her own show

Judy Ann Santos's online cooking show, Judy Ann's Kitchen, is now on its seventh season this June 2018.


Simula na ngayong Sabado, June 16, ang Season 7 ng online show na Judy Ann’s Kitchen kaya naman labis ang kasiyahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo tungkol dito.

“Ang surreal! Surreal na masaya! Nakaka-overwhelm pa rin hangang ngayon yung thought na ang ganda ng resulta, marami kang nai-inspire. Personally natutuwa ako kapag may nagme-message sa amin na pagka panood nila nung video tuwang-tuwa sila, ang saya nila.

“Yung ganun, yung more than naka-inspire kang makapag-luto sa mga tao, it’s yung… mas yung nakakalimutan nila yung problema nila, na hindi naman iyon yung unang purpose ng show.”

Naging therapy para sa iba kapag pinapanood nila ang aktres sa Judy Ann’s Kitchen na napapanood sa YouTube channel nito at sa Facebook.com/judyannskitchen tuwing Sabado, 10:30 am.

“Naging parang… yung nilu-look forward siya ng mga tao every Saturday… nakakataba siya ng puso, actually sobrang nakaka-overwhelm, yung hindi ko alam kung saan ipe-place yung nangyayari ngayon.

“Kilala nyo naman ako, hindi naman ako ma-YouTube, di ba? Isa ito sa talagang hindi pinlanong mangyari. Pero siyempre napaka-grateful ko and napaka-thankful ko sa naging resulta.

“Kasi ano siya, e, it can make me, or break me, nung Season 1. Puwede kasing pinagtawanan siya at sinabing trying hard, alam mo yun? Puwedeng… I just had to convince myself na, ‘Basta nag-enjoy ka habang ginagawa mo siya, e, di okay!’

“Regardless kung ano’ng sabihin ng mga tao, ang importante, nagawa mo lang yung gusto mong subukang gawin.

“Kasi iyon lang naman yung naging goal ko nung nag-YouTube ako, e, is to face my fear of talking while cooking.

“And opening myself up to people, iyon yung naging goal ko talaga bago ako nag-forty, na marami akong mga bagay na dapat harapin bilang magfo-forty na ako nung time na yun.

“So isa yun sa mga challenges na binigay ko sa sarili ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At napagtagumpayanan iyon ni Judy Ann, who turned forty last May 11.

At iyon nga, bukod sa cooking show ang Judy Ann’s Kitchen ay naging inspirasyon si Judy Ann sa maraming tao.

“Yung ang daming biglang gustong magluto, ang daming biglang gustong … maraming nagme-message na inihanda nila sa family nila ang mga napanood nila sa show.

“Nakakatuwa din yung biglang may lalapit sa akin pag nasa mall ako, mga tao na hindi mo iisipin na nanonood sa iyo, biglang lalapit na, “I always watch your show! ‘Ginawa ko na yung recipe mo kagabi’,  ganyan-ganyan.”

May mga viewers pa na humihingi ng tips and advice kay Judy Ann, minsan nga hindi lang tungkol sa pagluluto kundi pati na rin tungkol sa buhay-buhay.

“Pero ayaw ko namang magbigay ng hindi tamang advice, pero ayoko din namang magbigay ng advise na hindi ko na-experience na puwedeng, ‘O ganito, ganyan ang gawin mo, eto yung benefit ng paggawa niyan.’

“Parang sa sobrang daming marunong magluto at sa sobrang daming chef sa buong mundo at lahat ng tao may opinyon, may makikitaan pa rin silang mali sa sinasabi ko.

“Kaya palagi akong may disclaimer na palaging, ‘Akin lang po ito, base sa alam ko.’

“Kaya I also always tell them na you can Google it, para sigurado, di ba? Kasi ayokong magbigay ng maling information, e.

“Ayokong masisi kasi nagtatanong sila sa iyo, biglang… ayokong magdunung-dunungan.

“Kung ano lang yung alam ko iyon lang ang ibibigay kong sagot.”

Ano ang mga maaasahang mapapanood ng viewers sa Season 7 ng Judy Ann’s Kitchen?

“Well, siguro mas ano lang, mas may mga tips lang on how engage with your children during the summer or the rainy season, paano mo mabibigyan ng activities ang mga bata na to make them more responsible.

“Tapos medyo mas bongga rin ang mga dishes ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Judy Ann…

“Hangga’t maaari gusto mong sagutin yung mga suggestions nila. Hindi man lahat pero most of them.

“And ayoko rin naman na basta na lang ako gagawa ng recipe from a cookbook, di ba, tapos hindi  ko naman siya naitawid.

“Ganun pa rin wala namang masyadong i-expect na ibang-iba, na kung ano yung mga nagustuhan nila for the past six seasons, nandun pa rin, mas ii-improve pa namin, mas pagagandahin.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN