Tom Rodriguez thanks Jennylyn Mercado for her anti-allergy hacks

IMAGE Still from The Cure/GMA-7

Tom Rodriguez thanks his The Cure co-star Jennylyn Mercado for educating him about the benefits of oil therapy, which eventually helped him overcome his frequent allergy attacks: "Kasi dati, nag-a-allergy ako, hatsing ako nang hatsing [sneeze] sa eroplano. Pero ngayon, I just use lavender and peppermint oils. Wala na, pati migraine ko nawala."


Nagmistulang doktora ni Tom Rodriguez si Jennylyn Mercado.

Madalas kasing atakihin ng allergies si Tom lalo na kapag bumibiyahe at sumasakay sa eroplano, pero dahil sa mga tips sa kanya ni Jennylyn ay nawala na ang allergy attacks niya.

Co-stars sina Tom at Jennylyn sa Kapuso teleseryeng The Cure kaya madalas silang nagkakakusap, lalo na kapag break sa taping.

“Thank you sa mga itinuturo niya sa akin kasi ngayon, my plane rides are comfortable.

“Kasi dati, nag-a-allergy ako, hatsing ako nang hatsing [sneeze] sa eroplano.

“Pero ngayon, I just use lavender and peppermint oils. Wala na, pati migraine ko nawala.

“Oilbularyo na rin ako ngayon, I just put lavender and peppermint para mawala yung mga allergies ko.

“I’m happy with the benefits I get from them,” pagpapasalamat niya.

SELF-CONFESSED GEEK. Kung may mga natututunan si Tom kay Jennylyn, may mga kaalaman din namang naibabahagi raw si Tom sa aktres.

Maraming scientific facts na alam si Tom dahil mahilig itong mag-research.

“Nahihiya na nga ako sa kanila kasi non-stop akong magsalita sa set, sa taping,” at tumawa si Tom habang kakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Cure sa Antipolo kamakailan.

Ano ba ang mga itinuturo niya kay Jennylyn about science?

Lahad niya, “Ahh, kung anu-ano lang, e!

“Minsan about lang sa mga nare-research ko.”

Pareho sila ni Rafael Rosell na maraming alam tungkol sa mga kung anu-anong bagay, mapa-science man, technology o current events.

Aniya, “Kaya I’m happy to be part of Luminary. Ako, si Raf, si Dennis, si JC.”

Intense raw kung magkuwentuhan silang apat nina Rafael, Dennis Trillo at JC Tiuseco na pare-parehong nasa pangangalaga ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo.

Wala rin daw silang ilangan ni Jennylyn sa mga medyo intimate scenes nila sa The Cure bilang mag-asawa.

“It’s work!” paglinaw ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN