Marian Rivera reveals biggest fear about having Dingdong Dantes as her director

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera's episode for Tadhana's first anniversary will air this Saturday, June 23, 2018. She gets directed by husband Dingdong Dantes for the first time.



Excited na ang GMA-7 Prime-time Queen na si Marian Rivera dahil ipapalabas na ngayong Linggo, June 23, ang anniversary episode ng Tadhana.

Sa press conference ng nasabing programa na ginanap sa GMA Network, sinabi ni Marian na matagal niya nang naipangako sa production team ng Tadhana na siya ang magbi-bida sa anniversary episode ng programa kung sakaling mag-one year ito.

Kuwento ni Marian, "Sabi ko sa Team Tadhana, 'Kapag naka-one year tayo, ako na ang aarte sa Tadhana.' E, naka-one year, e, natandaan nila. Binalikan ako."

Makakasama ni Marian sa episode na ito ang ilang veteran actors kabilang sina Jackielou Blanco, Emilio Garcia, at Lotlot de Leon.

Ang Kapuso Prime-time King naman na si Dingdong Dantes ang nag-direk ng nasabing episode at mapapanood rin dito.

Ayon kay Marian, si Dingdong ang nag-volunteer na magsilbing director sa anniversary episode niya. 

"Gusto nila dapat, original, dapat kami ni Dong," kuwento ng Kapuso actress.

"Sinabi ko kay Dong, sabi ko, 'Love, meron akong gagawin sa Tadhana.' [Sabi niya] 'Ah talaga? Ah ganito na lang, ako magdidirek, ikaw artista.'

Patuloy pa niya, "Ito yung anniversary offer namin sa mga kababayan natin sa ibang bansa, na para sa kanila 'to."

TADHANA ANNIVERSARY. Gaganap si Marian bilang si Jackie, isang OFW na nakaranas ng dalawang taong pang-aabuso mula sa kanyang amo sa Bahrain.

Ito ang pinaka-memorable episode ng Tadhana para sa Kapuso actress bilang isang ina.

Paliwanag nito, "Kasi sa Tadhana, spiels lang ako nang spiels, e, binabasa ko lang. On the spot, nagre-react lang ako na, 'Ay ganun, ay ano nangyari?'

"Siyempre, hindi mo pwede ipakita yun on-cam. Kailangan steady kami dun sa spiels, kung anong sasabihin, anong reaksyon,'tapos ending na.

"So dito sa mismong pagganap ko sa Tadhana, bilang nanay na ako 'tapos ang kuwento pa, e, nanay na nagpunta ng ibang bansa 'tapos pag-uwi, hindi kinilala ng mga anak yung nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Ha? Ang sakit naman nun?' Yung anak ko nga lang, iiwan ko, magta-trabaho lang saglit, iiyak, e, hindi ko na kinakaya. Ito pa? Nag-abroad 'tapos ang daming sakripisyong ginawa para sa pamilya.

"Sabi ko, 'Ay, iba talaga ang nag-iibang bansa na hindi mo nalalaman kung anong nangyayari sa kanila."

Wala naman daw kaso kay Marian ang gumanap na nanay dahil ilang mommy roles na rin ang nagampanan nito kabilang ang Super Twins at Marimar na parehong lumabas noong 2007.

Aniya, "Since Day 1 na nag-artista ako, ang role para sa akin ay role na dapat ginagampanan ke single ka, ke may anak ka o wala.

"Pero kapag binigay sa 'yo ang role na maganda at kaya mong panindigan kung ano yung nangyayari, why not?"

DIREK DONG. Samantala, ito naman ang kauna-unahang beses na ididirek si Marian ng kanyang sariling asawa.

Pag-amin ni Marian, kinabahan ito na makatrabaho si Dingdong para sa nasabing episode.

"Hindi ko nga matawag na 'Direk.' [Sabi ko], 'Direk ka diyan, Dong na lang.'

"Surprisingly, takot talaga ako magpa-direk sa kanya kasi parang tinatakot niya ako na, 'Ha, magkakaalaman na tayo pagka-dinirek kita, malalaman ko kung paano ka.'

"Sabi ko, 'Pa'no mo malalaman?' 'Kasi alam ko kapag uma-acting sa screen o kapag totoo yung emosyon na binibigay.' So sabi ko, 'Ha? Na-pressure naman ako dito.' Sabi ko, 'Bahala na.'"

Madali naman daw nilang natapos ang lahat ng mga eksena.

Kuwento ni Marian, "Nung nasa set kami, bumaba ako, 'tapos niloko ko siya, sabi ko, 'Hi, Direk, I'm Marian Rivera po.'

"Sabi niya, 'O, hi!' So may ganun kami na [kulitan], parang director siya at artista niya ako.

"And then, nagfo-flow naman and everything."

Dagdag pa niya, "Cool siyang director, sinasabi niya kung ano gusto niyang emosyon at minsan hahayaan ka niya na ibibigyan niya sa 'yo ang pagkakataon kung papa'no mo siya ie-execute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So in fairness naman sa kanya, siguro hindi ito yung last time na ididirek niya ako."

Inamin din ni Marian na kilig siya sa papuring ibinigay ni Dingdong.

"Nung pag-uwi, ala-sais na ng umaga, hindi ko makakalimutan as in pagod na pagod na ako, groggy na ako sa antok, as in lahat na nandon kasi ala-sais ng umaga—starting from 8 to 6 a.m.

"Pag-uwi namin kiniss niya ako. Sabi niya, 'Good job, rest ka na, tulog na.' Kinabukasan nun, may sinabi siya sa akin na kinilig naman ako."





ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN