Ryan Bang to Vice Ganda: "Jowain mo na lang kaya ako."

Vice Ganda on Ryan Bang: "Alam kong hindi ka mapapahamak kasi mahal ka ng mga Pilipino, at saka hindi ka naman tatanga-tanga."


Ryan Bang became emotional when he celebrated his birthday recently on It's Showtime.

The Korean host-comedian received a giant pillow from his Showtime family.

Vice Ganda said about the wraparound pillow, "Ang cute, para kang laging may kayakap.

"Alam mo, ako masayang masaya ako hindi lang dahil ang daming nangyayari sa buhay mo, ang dami mong pera, ang dami mong show. Masaya ako kasi nakikita ko ang dami daming nagmamahal sa ‘yo."

Ryan responded by saying, "Thank you so much. Dahil sa ‘yo ‘yon, mommy."

Vice Ganda countered: "Dahil sa ‘yo ‘yon. Dahil mabuti kang tao, hindi lang yung mga katrabaho mo nagmamahal sa 'yo. Kahit yung mga taong hindi ka kakilala.

"Yung mga Pilipino, mahal na mahal ka, hindi ka tinuturing na banyaga sa Pilipinas na ‘to. Kapamilya ka nilang lahat.

"At bilang nanay mo, masayang masaya ako doon. Parang, dati alam mo naman nakasunod ako. Tuwing hindi ka magte-text, hindi ko alam kung nasaan ka, nagagalit ako.

"Pero ngayon, deadma na ako. Kahit hindi ko alam kung nasasaan ka..."

Amy added, "Nag-mature na siya."

Vice Ganda: "Oo, at saka hindi na ako natatakot kasi alam kong hindi ka mapapahamak kasi mahal ka ng mga Pilipino, at saka hindi ka naman tatanga-tanga.

"Hindi, kasi ayoko siyang pinapalabas dati kasi hindi ko alam kung saan nagpupunta. Tapos ma-ano kasi ‘to, yung sa sobrang hiya niya sa mga Pilipino, nanlilibre siya ng nanlilibre. Labas siya ng labas ng pera

Ryan revealed, "Pera mo ‘yon. Sorry, sorry."

Vice Ganda admonished him by saying, "Sabi ko hindi ganoon, okay yung matulungin, pero sisiguraduhin mong hindi ka maabuso, di ba? Matalino ka namang bata.

"I am just so proud of you, I am so happy. Para talaga akong nanay mo, tignan mo naghanda talaga ako, birthday mo. Kaya pagpatuloy mo. Kaya maraming maraming salamat sa lahat-lahat ng mga Pilipinong nagmamahal kay Ryan Bang, dahil yung pagmamahal niyo sa kanya tumatagos hanggang sa aming lahat. Kaya nagpapasalamat po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaming lahat dito parang mga nanay at kapatid niya, kaya lahat ng nangyayari sa ‘yo, e, bahagi kami. At yung nangyayari din sa amin ay bahaging bahagi ka. Mahal na mahal ka ng Pilipinas."

The 27-year-old actor promised to take care of Vice Ganda when he reaches his sunset years.

Ryan pointed out, "Thank you so much, mommy. At saka, talaga, gusto ko din pasalamatan lahat ng Showtime hosts, saka Hashtags, Girltrends. Pero alam niyo naman, sa buong Pilipinas, pinaka-special sa akin si Mommy Vice.

"Saka lahat ng mga event...mga graduation, mga birthday, mga premiere night, lagi ka nandyan. Kaya, mommy, maraming, maraming salamat. ‘Pag ano, hanggang ninety plus ka, ako bahala sa ‘yo, babawi ako."

The comedian then narrated that in an effort to comfort him when he gets heartbroken, Ryan proposed a radical solution.

Vice Ganda recalled, "Alam mo, mahal na mahal niya ako, sa sobrang pagmamahal niya ninenerbiyos ako. Kasi minsan 'pag umiiyak ako, sasabihin niya, 'jowain mo na lang kaya ako.'"

"Sabi ko, huy! Eto talaga, e."

Finally, Vice Ganda greeted him: "Happy birthday, anak. I love you."

Ryan sweetly told Vice: "I love you, mommy. I love you."

Vice Ganda and Ryan kissed each other on the lips to end the segment.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN