Kylie Padilla explains why son Alas is not yet ready to accept endorsement offers

IMAGE Rommel Gonzales

Kylie Padilla explains why she can't accept powdered milk endorsement offers for son Alas for now: "Kaso lang hindi ko mapaninindigan kasi breastfeeding pa ako. Gusto ko yung totoo."


“Masaya,” bulalas ni Kylie Padilla nang kumustahin namin ang pagbabalik-showbiz niya via The Cure.

“Gusto ko yung character ko.”

Ang The Cure ng GMA-7 ang unang show ni Kylie mula noong manganak siya a year ago.

Mag-iisang taon na sa August 4 si Alas Joaquin na anak nila ni Aljur Abrenica.

Paano siya napapayag na sa The Cure siya muling sumabak sa pag-aartista?

‘Kasi nung ipinalabas ito, nakita ko na siya sa TV, e.

“E, [parang] zombies, mahilig ako sa zombies.

“Childhood ko yung zombies, so iyon pa lang, naisip ko, 'Oh my God, ge-guest ako dito,'” at tumawa si Kylie habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Friday, July 13, sa taping ng The Cure sa San Jose del Monte, Bulacan.

CHARACTER. Hindi na raw siya nagdalawang isip nang i-offer sa kanya ng GMA ang role bilang si Adira Aguilar na lumalaban sa mga infected sa The Cure.

“'Tapos, action.

“Iyon, may freedom ako na gumawa ng character ko.

“Binigyan ako ng freedom ng production, yung hitsura,” saad niya.

Idea raw mismo ni Kylie na tadtad ng tattoo ang kanang braso ni Adira.

“Yes.

“Sticker lang ito, one week siya tumatagal.

“Tsaka yung last role ko, di ba, si Amihan [sa Encantadia], diwata.

“So ganyan, gusto ko pagbalik ko, iba naman,” patuloy niya.

Bad-ass na karakter na luma-Lara Croft din?

“Oo… basta iba. Basta iba.”

Noon pa man ay gusto ni Kylie na maging isang female action star.

Pangangatawanan na ba niya ito ngayon?

Lahad niya, “Tingnan natin, tingnan natin.”

ALAS GROWING UP FAST. Susundan na ba nila ni Aljur si Alas?

“Yes, pero matagal pa!”

“Matsika” daw si Alas.

“Ano siya, friendly, lahat binabati niya,” at tumawa si Kylie.

So mukhang sa showbiz rin ang direksyon ni Alas?

“Ayun, oo, parang may chance.

“Pero hindi ko siya ipu-push dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hahayaan ko siyang magdesisyon.

“At least, kung gusto niya, may X-factor siya, hindi siya mahihirapan,” pakli pa niya.

ENDORSEMENT OFFERS. May mga inquiry na raw para gumawa si Alas ng commercials/endorsements, pero ayon kay Kylie, hindi pa ito tamang panahon.

Aniya, “Ayaw pa namin. Huwag na muna.”

May offer daw na endorsement kina Kylie at Alas na baby formula or powdered milk…

Paliwanag niya, “Kaso lang hindi ko mapaninindigan kasi breastfeeding pa ako.

“Gusto ko yung totoo.”

Ayaw raw ni Kylie na mag-endorse sila ng produkto na hindi naman nila totoong ginagamit.

“Siguro pag nag-powder [milk] na kami.”

May isa raw endorsement na gusto na sana niyang tanggapin pero conflict sa petsa ng kaarawan ni Alas.

Paglinaw niya, “Talagang gusto namin na sa birthday ni Alas wala kaming gagawin kundi mag-celebrate lang.”

1ST BIRTHDAY PARTY. Engrande raw ang pinaplano nilang first birthday party para kay Alas.

Bukod kay Kylie ay may kinuha pa silang party planner.

At dahil mahilig si Alas sa animals ay isang safari/zoo/jungle-themed party ang magaganap sa unang kaarawan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN