Nora Aunor reveals cut-off during taping for GMA-7 teleserye

IMAGE Allan Sancon

May bagong proyekto sa GMA-7 si Nora Aunor, ang Onanay, kung saan gaganap siyang nanay sa isang unano. May cut-off daw siya sa taping lalo na ngayong kagagaling lang niya sa ospital.



Masayang-masaya ang Superstar na si Nora Aunor na isa siya sa Filipino Film Icon awardees ng The Eddys 2018 Awards Night na ginanap noong nakaraang July 9 sa The Theatre at Solaire, Parañaque City.

Bukod kay Nora, kabilang din sa mga awardees sina Susan Roces, Eddie Garcia, Charo Santos-Concio, at Maricel Soriano.

Sabi ng Superstar, “Tulad ng sinabi ko, salamat sa Taas at sa mga producers na binibigyan ako ng magandang proyekto at mga direktor ko na magagaling.

“At higit sa lahat sa mga fans lalung-lalo na sa mga Noranians. At lahat ng mga naniniwala at nagtitiwala pa rin sa akin hanggang ngayon.

“Yun ay aking ipinagpasalamat.”

May bagong proyektong ginagawa si Nora—kilala rin sa tawag na Ate Guy—sa GMA, ang teleseryeng Onanay.

Kasama ni Ate Guy sa show ang baguhang si Jo Berry na gaganap bilang kanyang anak na unano.

Ayon sa Superstar, “Simula ng August 6. Ako yung nanay ni Jo, isang hindi naman istrikta kundi tagapagtanggol. Anak ko, e, lalo na sa kalagayan niya.”

Ngayong balik-teleserye na siya, may cut-off ba siya sa taping?

Sabi niya, “Actually ang ano ko, may cut-off ako na hanggang 10 PM. Pero sa ngayon, kasi dahil na-ospital ako sabi ng  mga doctor, mga 5 PM. Pero puwede namang hanggang 7 PM. Basta naglalaro dun sa oras na yun.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN