Andrea Torres says Alden Richards remains unfazed by success: "Walang nagbago sa kanya."

IMAGE Arniel Serato

Andrea Torres attests to Alden Richards's humility and good character: "Mabait talaga siya! Nakakabilib yung pagka-humble niya. Kasi ngayon ko lang siya nakasama after ng lahat ng success na nakamit niya. Nakakatuwa lang na walang nagbago sa kanya."


Tawa muna ang unang naging reaksyon ni Andrea Torres nang banggitin namin na mabuti naman at tinanggap niya ang role niya sa Victor Magtanggol bilang diyosa na si Sif.

Nagkaroon ng ugnayan dati sina Andrea at ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona.

Pumasok ba agad sa isip niya na maikokonek sa role niya sa Victor Magtanggol ang nakaraan nila ni Sef?

“Hindi naman, natawa lang din ako, kasi nga inaasar ako ng mga tao.

“Pero iyon talaga kasi siya, pag tiningnan mo sa internet, Sif talaga ang pangalan niya,” pagtukoy niya sa kanyang bagong karakter.

Ayon sa Wikipedia, “In Norse mythology, Sif (/si?f/)[1] is a goddess associated with earth. Sif is attested in the Poetic Edda, compiled in the 13th century from earlier traditional sources, and the Prose Edda, written in the 13th century by Snorri Sturluson, and in the poetry of skalds. In both the Poetic Edda and the Prose Edda, Sif is the wife of the thunder god Thor and is known for her golden hair.”

Biro namin kay Andrea, hindi ba niya hiniling sa GMA na baguhin ang pangalan ng karakter niya sa show?

“Bawal baguhin ang Norse mythology,” at muling tumawa si Andrea.

“Pero okay lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa presscon para kay Anthony Vincent Bova, ang international acting coach na muling bumalik ng Pilipinas para sa empowerment training/acting workshop ng GMA Artist Center last July 17 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Bukod kay Andrea ay nasa presscon din para kay Mr. Bova sina Anna Feleo na co-teacher ni Mr. Bova, si Ms. Gigi Santiago-Lara (VP for Alternative Productions ng GMA), at ang mga Kapuso stars na sina Mikoy Morales, Gil Cuerva, Chynna Ortaleza, Benjamin Alves at Thea Tolentino.

THRILLING ROLE. Excited na si Andrea sa nalalapit na airing ng Victor Magtanggol na pagbibidahan ni Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Kasi marami akong nakunan na eksena na natatawa ako, yung naaaliw ako.

“Kumbaga, may mga ginawa kaming eksena na parang hindi masyadong serious, yung medyo may mga comedy parts.”

Mabait ang karakter ni Andrea sa naturang family drama/action/fantasy series ng GMA.

Unang beses na gaganap si Andrea bilang isang goddess.

Sabi niya, “Tsaka first time ko yung fantaserye na talagang may wig, may costume.

“Kasi yung Annasandra parang minsan lang ako nagta-transform.

“Ito yung talagang…”

Sa Ang Lihim Ni Annasandra (2014) ay isang “awok” o taong nagiging lobo ang papel ni Andrea.

SUPERPOWER. Kung siya ay magiging goddess sa tunay na buhay, anong kapangyarihan ang nais taglayin ni Andrea?

Napaisip siya sabay sabing, “Anong power nga ba? Ano kayang magandang power?

“Gusto ko ano, parang ang sarap, parang ang interesting kapag puwede kang maging invisible.”

Saan siya unang pupunta kapag may ganoon siyang power?

“E, di mangingibang bansa ako!

“Wala lang, para at least, kahit saan talaga puwede akong pumunta.

“Yung mga bawal puntahan sa ibang bansa pupuntahan ko,” natatawa niyang hirit.

THANKFUL. Ano ang naging reaksyon niya nang nalaman niyang isa siya sa mga lead female stars sa unang show ni Alden matapos maipareha ang binata kay Maine Mendoza sa Destined To Be Yours?

Pahayag niya, “Actually, hindi ko siya tiningnan that way.

“Mas tiningnan ko na natuwa ako na kinonsider nila ako to be part of it.

“Kasi alam ko naman na malaking soap siya for Alden.

“Mas doon ako na, ‘Ay, nakakatuwa naman na naisip nila akong isama!’

“Kasi siyempre gusto ko rin ng work.

“After Alyas, siyempre parang...

“Ganun naman kaming mga artista.

“Gusto mong magpahinga pero after mga one month, hahanapin mo na rin.

“Parang, ‘Ay, nakaka-miss mag-taping!’

“Ganyan.”

Bago ang Victor Magtanggol ay ang Alyas Robin Hood 2 na nagtapos noong November 2017 ang regular show ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol niya, “So mas dun ako na, ‘Yehey, may work ulit ako. Makakaipon ulit ako!’”

Hindi ba pumasok sa isip ni Andrea na dapat siyang matakot sa mga maaaring maging pamba-bash ng ilang AlDub fans na ang gusto ay si Maine lang ang laging kapareha ni Alden?

Aniya, “Hindi naman, hindi naman.”

Handa ba siyang ma-link kay Alden?

Pakli niya, “Feeling ko, hindi naman kami mali-link in that way, na may something...

“Feeling ko hindi.”

Paano naman siya nakasisiguro?

Dagdag ni Andrea, “Clear na clear naman sa lahat before, tsaka even now na ano kami...

“Kumbaga, maganda lang talaga yung samahan namin bilang magkaibigan at bilang magkatrabaho.

“Pero never naman kaming napag-isipan ng ano… feeling ko, dito hindi rin naman.”

ALDEN REMAINS UNFAZED BY SUCCESS. Paano niya ide-describe si Alden bilang katrabaho at bilang tao?

“Mabait talaga siya!

“Nakakabilib yung pagka-humble niya.

“Kasi ngayon ko lang siya nakasama after ng lahat ng success na nakamit niya.

“Nakakatuwa lang na walang nagbago sa kanya.

“Kung paano niya kulitin yung mga kasamahan ko rin, ganun pa rin. Yung ganun...

“Kaya natutuwa rin yung... kunyari, mommy ko, yung P.A. [personal assistant], parang nakakaalala pa rin siya kahit na matagal na namin siyang hindi nakikita.

“Natatandaan pa rin niya.

“'Tapos, ganun pa rin siya ka-warm, makuwento pa rin siya, yung P.A. ko kinikili-kiliti niya, yung ganun.

“Yung akala mo lagi kayong nagkikita.

”Parang ganun.”

Huli raw niyang regular na nakatrabaho si Alden bago ang Victor Magtanggol ay sa Sunday All Stars na huling umere noong 2015 pa.

STAYING POSITIVE. Ano ang naramdaman niya na noon ay na-link sina Sef at Maine, at ngayon ay sila ni Alden ang magkatrabaho?

Kibit-balikat niya, “Wala. Hindi ko siya… hindi ko talaga siya inaano nang ganun, e.

“I think yung mga natutunan ko sa mga pamba-bash sa akin at sa lahat-lahat ng nangyari sa akin the past few months is kailangan talaga mag-start sa iyo na maging positive ka, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kailangan salagin mo lahat ng mga ano, mga negative.

“So hindi ko talaga siya tinitingnan nang ganun kasi ayokong magkaisyu with anyone.

“Ayoko rin namang maapektuhan sa sinasabi ng mga tao.”

Paanong salagin?

Paliwanag niya, “Hindi ko pinapansin.

“Minsan nga pag nakikita ko sa comment na ang start bashing na, dini-delete ko na lang.

“Ayoko nang basahin.

“Kasi maiisip ko pa e, ‘Sabi niya ganito ako,’ ganyan-gayan.

“Para lang hindi ko na lang maisip.”

Nagkita na ba sila ni Maine nang personal nitong nagsimula na sila ng Victor Magtanggol?

Lahad niya, “Hindi pa po.”

Huli raw niyang nakita nang personal si Maine ay sa fashion show ng Bench noong November ng nakaraang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN