Mark Herras admits, "Ayaw ko nang magbida"

IMAGE @kapusoprgirl on Instagram


Ikinatuwa ba ni Mark Herras na kahit paano ay nabuhay ang loveteam nila ni Jennylyn Mercado sa The Cure ng GMA-7?

“Ako natuwa ako for a time pero kasi, di ba, yung tina-target ko talaga na character kasi is kontrabida na,” ang sagot ni Mark.

Kahit magtatapos na ang The Cure ngayong Biyernes, July 27, ay hindi naman daw niya mami-miss ang pagiging kontrabida.

“Kasi start pa lang ito, kumbaga simula pa lang ito ng mga roles ko [na kontrabida].

“Ayaw ko nang magbida, e.”

Bakit?

“Dun tayo sa kontrabida, para… mas masarap laruin yung character.”

At dahil rin ba mas may pressure kapag bida?

“Hindi naman sa may pressure pero hindi ko naman inisip yun. Kasi, di ba, for fifteen years yung role ko laging leading man, or bida or… goody-goody, laging ganun.

“Gusto ko namang manakit,” at tumawa si Mark.

Nakausap namin si Mark sa taping ng The Cure noong July 13 sa Bulacan.

“Siguro ang mami-miss ko dito sa The Cure is yung kung paano ako magsalita or paano ako makipag-usap sa ibang cast like during the scene. Kasi di ba nagsimula ako like kina Ken, kila Arra, then basically nung nakilala ko sina Jen, lagi akong galit, lagi akong sumisigaw.

“So parang siguro mami-miss ko yung character ko na yun and siguro the vibe nung The Cure na, alam mo yun? May infected, lagi kaming nasa madilim na lugar, lagi kaming may hawak na baril.”

Sa The Cure ay gumanap na mag-asawa sina Ken Chan (as Joshua Lazaro) at Arra san Agustin (as Anna Lazaro) at bida naman sina Jennylyn (as Charity Salvador) at Tom Rodriguez (as Greg Salvador).

Unang beses ni Mark na magkontrabida sa isang regular TV series.

“So nagpapasalamat ako sa GMA kasi nga sinuportahan nila yung ganito, na gusto kong i-try yung panibagong part ng career ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan nga raw ay nadadala niya hanggang pag-uwi ang karakter niya bilang si Darius.

“Feeling ko ganun ako sa bahay,” at humalakhak si Mark.

Sino ang sinisigawan niya sa bahay?

“Yung mga kasama ko sa bahay. Kunyari pag puyat ako, ‘O, pagkain!’”

Kung ang iba na nasanay na leading man ay iniiwasan na maging kontrabida, si Mark naman ay iyon ang gusto.

“Sabi ko nga sa sarili ko, siguro after ng The Cure, siguro there’s a possibility na hindi ako mahihirapan na pumasok ng ibang show. Kasi nga yung role ko is character and kontrabida.

“And normally pag kunyari yung mga lead roles ng mga co-actors ko sa GMA, siyempre hindi naman puwede na pagkatapos ng isang show, next show ikaw ulit.

“Siyempre magbibigayan kayo. Hindi naman palaging…

“So ako inisip ko na baka after this puwede ako sa iba, baka bigla akong kunin sa ibang show para magkontrabida ulit.”

Sino ang artistang nais niyang “apihin” o maging kontrabida sa susunod na show?

“Ako kahit kanino.”

Isang specific na artista na gusto niyang saktan o apihin?

“Sino ba…

“Madami, e. But I mean siguro sa mga shows ng GMA masarap umikot kasi like for example ayan kay Alden [Richards].

"Puwede kang pumasok na character bilang 'kapatid' ko naman. “Pag 'kapatid' masarap i-bully pag 'kapatid' e,” at tumawa si Mark.

Tinuturing niyang itong “kapatid” dahil matalik na magkaibigan sina Mark at Alden at pareho silang taga-Sta. Rosa City sa Laguna.

“Si Alden, sobrang amo, sobrang amo ng mukha, di ba?”

Incidentally ay ang Victor Magtanggol ni Alden ang papalit sa The Cure sa Lunes, July 30.

“Kung sino ang ibigay sa akin na dapat apihin siguro, I’ll try my best para magawa ko kasi hiniling ko itong character na ito so dapat talaga ipakita ko sa GMA na kaya kong gawin.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN