Did John Estrada get a higher talent fee in GMA-7 compared to ABS-CBN?

John Estrada on switching networks: "Napa-transfer ako because of this project."



Masaya si John Estrada sa kanyang papel bilang Loki sa GMA-7 telefantasya na Victor Magtanggol, na pinagbibidahan ni Alden Richards.

“Of course, lahat naman ng project, nakakakaba rin,” matamang sambit ni John sa grand press con ng nasabing telefantasya noong July 23 sa Studio 7 ng GMA Complex, QC.

“But this one, kaba at more of excitement. Matagal na akong hindi gumagawa ng ganito, kaya...

“Maganda rito, lahat ng suggestion namin, they take it in a nice way. Ahh, so, masarap katrabaho sila.”

Mas gusto ba niya na fantasy ang gawing TV series kesa sa drama?

“Ito talaga ang gusto nilang gawin ko,” seryosong tugon ng aktor.

“Napa-transfer ako because of this project.”

Anong meron sa Victor Magtanggol at tinanggap niya ito?

“Engrande siya. Malaking proyekto,” pakli ni John na gumaganap bilang diyos ng panlilinlang.

“Sabi nga nila, this is the biggest of GMA this year. Gusto ko yung karakter ko as Loki.

“Tapos, hindi lang ako... Ang maganda rito, naging tao si Loki — Dr. Nikolai siya, kung napansin niyo kanina, para akong si Harry Potter.

“Ayun! Naging tao na si Loki doon. Pero siyempre, yung loob noon, si Loki pa rin. So, deceiving talaga ang look.”

Mas malaki ba ang TF (talent fee) niya rito?

“Opo!” napangiting bulalas ni John.

Noong una, akala ni John ay mao-OP (out of place) siya bilang Kapuso dahil iilan ang kakilala niya sa GMA Network.

“Noong nagkaeksena kami ni Alden, wala pang one week, lalo na si Pancho Magno noong... ang laki ng katawan nito, ah, parang... gago kaya ito?” kuwento ni John.

“Pero hindi! Ambait! Ambait talaga! So, grabe yung ano, feeling ko talaga, ang tagal ko na dito sa GMA.

“Ambait nila. Sobra.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN