In-announce na ang 14 official contestants para sa 6th Cycle ng Asia’s Next Top Model (AsNTM).
Last cycle, ang Filipino-German model na si Maureen Wroblewitz ang nag-uwi ng title ng AsNTM para sa Pilipinas sa unang pagkakataon.
Kaya matinding pressure ang hinaharap ng dalawang Pinay na kasama sa latest cycle ng naturang reality modeling competition show.
Ang dalawang Pinay models na kasali ay sina Adela-Mae Marshall at Jach Manere.
Sa Facebook page ng AsNTM Cycle 6, tinawag na “innocent but determined” ang 20-year old na si Adela na naging runner-up sa Philippines’s Next Top Model Cycle 2 noong 2017 na umere sa TV5.
Bukod sa modeling, marunong mag-piano at mag-compose ng songs si Adela na lumaki sa United Kingdom.
“Quirky, carefree and a perfectionist” naman ang description sa 21-year-old na si Jach na may hawig kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sa Kapuso actress na si Kris Bernal.
Isang experienced runway and editorial model si Jach.
Makakalaban ng dalawang Pinay ang mga aspiring international models mula sa bansang Indonesia (Jesslyn Lim, Iko Bustomi), Malaysia (Rubini Sanbanthan), Thailand (Pim Bubear, Dana Slosar, Lena Saetiao), Singapore (Si Yihan), Vietnam (Rima Nguyen), Japan (Sharnie Fenn), Taiwan (Mia Sabathy), Myanmar (Beauty Tinh), at Hong Kong (Hody Yim).
Ang grand premiere ng Asia’s Next Top Model Cycle 6: Beyond Limits ay sa August 22 on FOXlife Channel and hosted by Cindy Sirinya Bishop,
Ang former supermodel na si Tyra Banks ang nag-create ng Top Model franchise na nagsimula sa U.S. as America’s Next Top Model (ANTM) in 2003.
Kasalukuyang nasa Cycle 25 na ang ANTM.