Did Janine Gutierrez have Hollywood leading lady as peg for her role?

by Rommel R. Llanes
Jul 31, 2018
Janine Gutierrez asked tips from an actual GMA-7 anchor in order to portray a reporter in Victor Magtanggol.

Malaking responsibilidad, hindi lamang para kay Alden Richards, kundi para sa lahat ng cast ng Victor Magtanggol ang naturang show.

Bilang isa sa mga cast members, paano hina-handle ni Janine Gutierrez ang responsibilidad at ang pressure?

“Oh my gosh, talagang ninenerbiyos ako talaga dati, as in! Mamatay-matay,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Pero nung nagsimula na kami, ramdam ko talaga yung alaga ng GMA sa project na ito. Talagang pinaghandaan, inaalagaan.

“And even na makatrabaho ko si Direk Dom, sobrang na-starstruck ako, kinakabahan talaga ako!

“As in nung mga unang taping, parang nawawala yung mga linya ko, ‘Ano ba’ng nangyayari sa akin?’

“Kasi dati kasi, siya yung palaging director ni Uncle Richard [Gutierrez].

“At alam ko yun, palagi kong naririnig, ‘Direk Dom, Direk Dom.’

“Tapos favorite siya ng lahat, ganyan at lahat ng show na yun pinanood ko dati, nung hindi pa ako nag-aartista.

Continue reading below ↓

Maraming shows si Richard Gutierrez na si Dominic Zapata ang direktor noong nasa GMA pa siya.

Si Richard ay tiyuhin ni Janine; kapatid ito sa ama ng ama ni Janine na si Ramon Christopher.

Kuwento pa ni Janine: “Tapos nung dumating ako sa set, parang, ‘Oh my gosh, this is it!’

“Na makakatrabaho ko na si Direk Dom, ito yung pinakamalaking show ng GMA, parang, ‘Oh my gosh, paano ako nakaabot dito?’

“So dun ko talaga naramdaman yung pressure and excitement din na parang feeling ko nag-full circle ako kasi dati ito lang yung inaabangan ko gabi-gabi, ngayon makakasali na ako.

“Iyon, yun lang.”

At ito rin so far ang biggest project ni Alden sa primetime ng GMA-7.

“Yeah iyon, so yun, very supportive din kami of Alden, sinasabi namin sa kanya, ‘O, we’re behind you,’ ganyan. And iyon, exciting, teamwork.”

Continue reading below ↓

Reporter ang role ni Janine sa Victor Magtanggol, kaya ang iba ay binansagan siyang Lois Lane ng Pilipinas.

Si Lois Lane ang reporter na love interest ni Superman.

“Talaga ba,” at tumawa si Janine.

May peg ba siyang female reporter? May pinanood ba siya to prepare for her role?

“Ang gusto ko po talaga kasi na chemistry sa mga superhero leading lady ay si Emma Stone.”

Si Emma ay gumanap bilang Gwen Stacy na love interest ni Spider-Man na ginampanan naman ni Andrew Garfield noong 2012.

Nagkataon naman na Gwen Regalado ang pangalan ng karakter ni Janine sa Victor Magtanggol.

“Nasa characteristic din niya na palaban, hindi susuko, kailangan i-expose ang tama, ganun din yung character ni Gwen, ayun pareho pa sila ng pangalan, Gwen.”

Dagdag na kuwento pa ni Janine…

“Actually tinext ko talaga si Mav Gonzales, isa siyang field reporter, anchor dito sa GMA, classmate ko kasi siya sa Ateneo so bago mag-start yung taping, tinext ko talaga siya, ‘Uy Mav, ano bang suot ng mga reporter, ano bang uniform ninyo?’

Continue reading below ↓

“Simpleng taong lang pero… tapos pinapanood ko rin yung YouTube clips ng mga reporters, ganyan.”



Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez asked tips from an actual GMA-7 anchor in order to portray a reporter in Victor Magtanggol.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results