Is Kyline Alcantara open to working with Bianca Umali and other Kambal, Karibal co-stars in the future?


Magwawakas na ngayong gabi, August 3, ang top-rating GMA-7 prime-time series na Kambal, Karibal. Ramdam na ramdam ni Kyline Alcantara ang kalungkutan habang tini-tape niya ang mga huling eksena niya dito.

Si Kyline ay nakilala sa papel niya bilang si Cheska na naging daan upang kilalanin siyang La Nueva Kontrabida at isa na ngayon sa sumisikat na teen stars ng Kapuso network.

Pahayag ni Ky (palayaw ni Kyline) na parang naiiyak na, “Hmmm...hindi ako ready umiyak ngayon.

“Kahapon pa po, sa last taping day ko, tina-try kong huwag isipin na mag-i-end na po talaga kami.

“So, inaalis ko sa isipan ko yung negative energy na magtatapos na nga kami.

“So, ini-enjoy na lang tayo yung time with them, and for the past three days, hindi ako masyadong nag-i-stay sa tent [holding area nila].

“Yun din ang sinabi ko kay Mama [Mommy Weng], na kung hindi niyo ako nakikita, nasa labas lang ako at nakikipag-bonding sa lahat, para sulitin din yung oras ko.

“Text nga nang text si Mama, 'Asan ka, beh? Asan ka?’ E, dito nga ako sa labas nakikipagkuwentuhan.

“At, hindi ako kumakain sa long table ng tent kundi nasa long table ako kasama ang mga cameramen, ng direktor namin, ng mga nasa prod.

“Sila pa nga yung nagsasabi sa akin na, ‘Ba’t nandito ka?’ Sabi ko naman, ‘Okey lang ako dito, masaya ako.’”

Kaya nga, sa huling araw niya dito noong August 1, ay talagang naghanda siya ng mga pagkain at nag-boodle fight silang lahat sa mga inihanda niya na seafood.

Nakapanayam ng PEP. ph ang 15-year-old actress sa kanyang courtesy call sa opisina ng may-ari ng Simply G sa Malate, Manila noong August 2.

Aminado si Kyline na malaki talaga ang nagawa ng seryeng Kambal, Karibal para sa kanyang second chance sa kanyang TV career.

Nagsimula siya bilang isang child star sa remake ng teleseryeng Annaliza sa ABS-CBN noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sobra, sobra!

“Yeah, promise talaga, promise. Pinipigilan ko talagang umiyak.

“I can say naman po na Kambal, Karibal ang parang nag-save sa akin—sa career ko, sa life ko, sa ano ng family ko.

“Kaya, gusto ko talaga silang ituring na ka-pamilya ko, dahil na-reborn talaga ako sa Kambal. So, parang sila na ang naging nanay at tatay ko, at iniluwal nila ako.”

Pero, ayon naman sa iba, malaki rin ang nagawa niya sa ikinataas ng ratings ng seryeng ito, dahil siya raw ang inaabangan talaga ng mga manonood.

Ito ay dahil sa galing niyang umarte at ang paglobo ng fandom niya na kung tawagin niya ay sunflowers.

Ano ang masasabi niya rito?

Nahihiyang pagkontra ng 15-year-old actress, “Hindi po totoo. Hindi po totoo yun.

“Yes, marami ngang nagsasabi na kung wala raw ako, ganyan-ganyan, pero hindi po totoo yun.

“Kasi for me, kaya po inabangan nila yung Kambal, Karibal dahil sa teamwork namin po yun, sa connection namin sa lahat tulad sa prod, sa gaffers, sa mga extra, sa lahat-lahat.

“Kaya hindi lamang po dahil sa akin.”

Sa puntong ito, naitanong naming sa kanya ang sunud-sunod na intriga sa pagitan nilang mga bida na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Pauline Mendoza.

Ipinakiusap sa amin ni Ky na huwag na naming pag-usapan ito, dahil ayaw niyang lumaki pa ito nang lumaki.

Kaya, ang naging huling tanong namin sa kanya ay kung handa pa rin siyang makatrabaho ang mga ito sa mga susunod pang proyektong gagawin niya sa GMA-7.

Ayon sa kanya, “Oo naman po. Sobrang okay po.

“Kasi ang pakiramdam ko...kasi, work po yun.

“Mas magiging kumportable po ang work ko, kasi kumportable na po kami sa isa’t isa.

“So, why not?

“Maganda po ang koneksiyon namin at yung teamwork.”

Sa ngayon ay abala si Kyline sa pagri-record ng kanyang unang album sa GMA Records at pinaghahandaan naman niya ang kanyang birthday concert na Kyline Take Flight na magaganap sa September 8 sa Skydome, SM North.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN