Alden Richards on Victor Magtanggol: "Hindi po kami copycat kasi original concept po ito ng Pinoy."

by Rommel R. Llanes
Aug 5, 2018
Alden Richards reacts to accusations that his new GMA-7 fantaserye, Victor Magtanggol is not based on an original concept: "It's all originally conceptualized, originally made ng mga Pinoy, by Filipinos."  

“Hindi po kami copycat kasi original concept po ito ng Pinoy.”

Ito ang deklarasyon ni Alden Richards nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa tungkol sa mga pamba-bash o pag-aakusa at sa mga nag-iisip na ang Victor Magtanggol ay copycat o kinopya sa Thor.

“And ang Norse mythology po is a public domain.

“Siguro kung hindi po ako yung gumaganap bilang Victor Magtanggol, as a regular viewer, magkakaroon din po ako ng misconception na ganun.

“Pero ito po, kaya po ipinapaliwanag po natin sa lahat na public domain po ang Norse mythology, anyone can create stories out of the mythology kasi wala pong nagmamay-ari sa kanya.

“Nakasanayan lang po talaga siguro natin yung mga napanood nating pelikula na iyon yung naging image nung Thor.

“So ito po talaga is really based on myth and may pinanggalingan po siya,” paliwanag pa ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng Victor Magtanggol noong July 23 sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ano ang masasabi niyang pagkakaiba ng Victor Magtanggol sa mga adaptation ng Marvel tulad ng alam nating lahat?

ORIGINAL CONCEPT

Patuloy ni Alden, “Kasi from costume…

"Actually, hindi po kami nanghingi ng tulong with any foreign entity.

“It’s all originally conceptualized, originally made ng mga Pinoy, by Filipinos.

“So iyon po yung pinaka-edge nito and the story will revolve around...

“Iyon nga po... na nag-OFW ako, na it’s more of the family, more of Victor Magtanggol being a superhero in a lot of life’s aspects—bilang kapatid, bilang bayaw, bilang anak, bilang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

‘So iyon na kasi ang ginagawa ni Victor Magtanggol as a character, superhero na siya sa ganung aspeto.

“Magugulat lang siya na yung pagiging superhero niya magma-materialize pag nakuha na niya yung martilyo.”

At dahil nga rito, masasabing may Filipino influence ang kuwento ni Victor Magtanggol.

Ani Alden, “Lahat po!

“I mean, yung Norse mythology po, makikita po lang natin yan sa first part.

“First, parang mga day one po ng Victor Magtanggol, and all the rest will be the story after the end of Asgard, which was Ragnarok.”

PHYSICAL PREPARATIONS

Napag-usapan din ang physical preparations ni Alden para sa Victor Magtanggol.

Lahad niya, “Kailangan fit!

“Kasi medyo magpapakita na po tayo ng katawan dito, may mga nakunan na po kami.”

Pinansin nga namin ang namumutok na mga braso ni Alden.

“Opo,” at tumawa si Alden.

“Nagbunga po yung months of pagwu-workout ko po and eating right.

“So, eto pong Victor Magtanggol, marami po tayong ipapakitang bago dito.

“In terms of portraying a character, and in terms of the story, medyo kakaibang take din po ito sa paggawa ng fantaserye.

“Diet, intermittent fasting, 'tapos yung workout ko maaga before going to Eat Bulaga, 'tapos yung…

“Hindi puwedeng hindi ako mag-workout kasi nawawala yung parang routine ko.

“So ngayon yung working out ko, parte na siya ng buhay ko.

“Ganun katindi yung naitulong at nagawa sa akin ng Victor Magtanggol.

“Martial arts, nag-training din po ako for parkour [obstacle course training].

“Makikita rin po natin yan sa Victor Magtanggol at makikita rin po natin sa upcoming concert ko po, yung pagpa-parkour ko, sa September 21.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ginawa na po naming siyang part and one of the highlights.”

May upcoming concert si Alden sa KIA Theater sa September 21, ang Adrenaline Rush.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards reacts to accusations that his new GMA-7 fantaserye, Victor Magtanggol is not based on an original concept: "It's all originally conceptualized, originally made ng mga Pinoy, by Filipinos."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results