Christine Bersola would rather do this than go back to mainstream broadcasting

IMAGE Noel Orsal

Christine Bersola: "Hindi ko nami-miss yung schedule, yung magigising ng madaling araw, araw-araw, tapos super traffic, tapos ito [sa business] hawak ko oras ko."


Ilang taon na ring hindi visible sa mainstream media ang broadcast personality na si Christine Bersola.

Meron man siyang business show weekly, hindi pa rin ito matatawag na regular show dahil blocktimer lamang sila.

Naka-focus na ang oras ng misis ni Julius Babao sa kanyang mga negosyo at monthly bazaar.

Na-miss ba niya ang regular na show sa telebisyon?

Natatawang tugon ni Christine, “Hindi ko nami-miss yung schedule, yung magigising ng madaling araw, araw-araw, tapos super traffic, tapos ito [sa business] hawak ko oras ko.”

Bakit mas nakatuon siya sa pagni-negosyo ngayon imbes na bumalik sa telebisyon?

Paliwanag ni Christine, “Kasi 'yan yung ikayayaman ng tao, e.

“Take it from Joey Concepcion and Chinky Tan, di ba nag-ano kami, nag-produce kami pareho ng Moneywise, yung show namin sa GMA [News TV].

"Palagi naming sinasabi, ‘Huwag ka mag-depend sa trabaho kasi kapag mawala yang trabaho mo, empleyado ka lang, paano ka na? Kailangang marunong kang gumawa ng sarili mong pera.’

“So paano? E, di business.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christine sa Star Bazaar noong nakaraang linggo sa SM Megamall.

Ang Star Bazaar ay handog ng Globe myBusiness in cooperation with PEP.ph.

FINDING GOODS TO SELL.

Ayon pa kay Christine, hindi naman daw siya nagluluto o nagbi-bake.

Dumidiskarte daw siya upang may maibenta sa kanyang mga bazaar.

Saad niya, “I find goods to sell.”

Buwan-buwan ay may ginagawang celebrity bazaar si Christine at ngayong araw, August 24, meron silang celebrity bazaar sa Virra Mall sa Greenhills.

Tatakbo ang bazaar hanggang Linggo, August 26, kung saan lalahok ang may 24 na artista.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN