The Clash contestant Anthony Rosaldo says Regine Velasquez warned them about dangers of "birit"

by Gorgy Rula
Aug 29, 2018
Anthony Rosaldo on The Clash host Regine Velasquez: "She's such a darling po na siya pa ang nauna mag-hello, kumusta. Minsan po pag may matanggal na clasher, sasadyain niya po sa likod. Ateng-ate siya talaga sa amin lahat."


Ngayong araw, August 29, ay ipakikilala na sa entertainment press, ang 12 finalists ng The Clash.

Ang The Clash ay ang weekly singing competition ng GMA-7 na hinu-host ni Regine Velasquez.

Judges naman sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas.

Isa sa nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 28, ay isa sa early favorites na si Anthony Rosaldo.

Natalo ni Anthony sa “Matira ang Matibay” round ang PWD clasher na si Charline Fiel noong nakaraang Linggo, August 26.

Si Anthony, ang 25-year-old na pambato ng Valenzuela City, ay isa sa runners-up ng “Spogify Singing Bae” ng Eat Bulaga.

Nagbanda siya at nakapag-perform sa iba’t ibang bansa, pero gusto raw niya talagang manalo sa isang singing competition kaya sumali siya sa The Clash.

Pang-apat na raw ang The Clash sa sinalihan niyang contest.

Ito ang itinuturing niyang pinaka-memorable at huling patimpalak na ring sasalihan niya.

Saad ni Anthony, “Itong The Clash na ang pagkakaiba nitong competition on TV, we had so much time po to bond.

“Kasi sa ibang competition po, mag-meet today, ‘tapos mag-rehearse, the next day, laban na.

“Kami po, buwan po kami nagsama. Nag-workshop po kami, dance, voice… ang dami po naming pinagsamahan.

“So, yung friendship po, hindi namin maiwasan na sort of somehow we’ll get in the way.

“Pero kailangan mo i-convince yung sarili mo na, ‘Hey, dude, you’re not here for the friendship. You’re here to win.’”

THE CLASH JUDGES

Pero ang hindi raw niya talaga makakalimutan ay ang mga natutunan niya sa judges na sina Ai-Ai, Christian, at Lani; lalo na ang host na si Regine na alagang-alaga raw silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kay Christian Bautista daw niya natutunan ang mga tamang technique sa pagkanta.

Ayon kay Anthony, “Sobrang technical po talaga si Sir Christian po.

“Siya po talaga yung straightforward siya, e.

“Very constructive naman po siya mag-comment.

“Parang he doesn’t fear na parang maka-feel bad siya. No.

“Sasabihin naman niya na hindi naman ito para i-put down ka.

“Each time na mag-comment siya sa akin in the past rounds, nagagamit ko siya, e, para pagandahin ko yung next performance ko.

“Dapat precise ka sa bawat nota na lalabas pagkanta.

“Bawal po na madumi, gusto niya malinis.”

Kay Lani Misalucha naman daw niya natutunan ang tamang damdamin sa mga kinakanta.

“Si Ms. Lani naman po is searching for that clasher who gives puso sa performance.

“So, every time na nagpi-perform po ako, kailangan gusto ko yung nararamdaman nila yung performance ko bilang sila yung nakikinig.

“Number one sa kanya yung delivery, e. Dapat ramdam ng mga nakikinig at nanood,” aniya.

Kay Ai-Ai delas Alas naman daw niya nakikita ang gusto ng masa.

Kapag gusto raw ng komedyante ang performance mo, ibig sabihin gusto na rin ito ng mas nakararami.

“Si Ms. Ai naman po… kasi sa show business ka, you have to be able to please yung nanonood sa iyo.

“Siya yung nag-represent ng taong normal na who doesn’t sing, pero may mata po at nakakinig po.

“So, pag na-please ko po siya… kasi you’ll see it when she’s enjoying your performance.

“Sa gitna pa lang ng performance mo, nakangiti na siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Naha-happy po ako kapag nakikita ko na nakangiti na si Ms. Ai, ‘tapos kumakanta pa siya na sinasabayan niya yung kanta ko.

“Number one sa kanya yung likeability ng performance mo. Kung mai-enjoy mo ba sila or not.

“Kaya tatlong factor po lagi i-consider every time,” seryosong pahayag ni Anthony.

REGINE VELASQUEZ

Ang hindi raw talaga makakalimutan ni Anthony ay ang sobrang concern at pag-aalaga sa kanilang lahat ni Regine.

Pinapakinggan daw muna ni Regine yung kanta saka siya magbibigay ng tips.

“Ang nakakatuwa po kay Ms. Regine, after ng performance, nilu-look forward po ng clashers kung ano po kaya yung tips na ibibigay niya. Lagi po yun.”

Ipinapaalala raw sa kanilang lahat ng Asia’s Songbird na huwag laging birit nang birit, gaya raw ng ginagawa niya noon, kaya nagkaproblema siya tuloy sa kanyang lalamunan.

“Sini-share niya po na kung mataas na yung kanta, huwag niyo nang itaas pa.

“Dapat alam mo yung hangganan ng boses mo para hindi masira yung boses mo,” sabi ni Anthony.

Wala raw silang nakikitang hindi magandang attitude sa host ng The Clash dahil alagang-alaga silang lahat at maayos ang pakikisama sa kanila.

“She’s such a darling po na siya pa ang nauna mag-hello, kumusta.

“Minsan po pag may matanggal na clasher, sasadyain niya po sa likod. Ateng-ate siya talaga sa amin lahat.

“Mami-miss po talaga siya namin pag matapos na yung show. Ang tagal po kasi namin siya nakasama sa stage.

“Idol naman po siya ng lahat. Regine Velasquez po yun, e, di ba po?” seryosong sabi ni Anthony Rosaldo.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Rosaldo on The Clash host Regine Velasquez: "She's such a darling po na siya pa ang nauna mag-hello, kumusta. Minsan po pag may matanggal na clasher, sasadyain niya po sa likod. Ateng-ate siya talaga sa amin lahat."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results