Kimpoy Feliciano accepts TV project because of this GMA-7 actress

Kimpoy Feliciano explains why he agreed to do the GMA-7 prime-time teleserye Inday Will Always Love You.


Pagkatapos manirahan ng ilang taon sa ibang bansa ay bumalik ng Pilipinas ang Internet sensation na si Kimpoy Feliciano. Kasama siya sa GMA-7 prime-time teleserye na Inday Will Always Love You.

Pinag isipan niya kung tatanggapin niya ang IWALY dahil kumikita naman siya sa pagba-blog sa Melbourne, Australia.

Pero nang malaman nitong si Barbie Forteza ang bida ng show ay agad-agad na tinanggap ni Kimpoy ang role bilang si Frank ang best friend ni Derrick Monasterio.

Nag-kuwento siya sa PEP.ph kamakailan bago sumalang sa guesting nito sa Barangay LSFM 97.2.

"Inoffer po kasi sa akin yung show. Sabi gagampanan ko daw yung role ni Frank, best friend ni Derrick Monasterio.

"So bago ako bumalik ng Pilipinas may nakaabang na sa aking show kaya pinagisipan ko kung uuwi ako sa Pilipinas because of Inday kasi kumikita naman ako sa pagba-blog kahit nasa Melbourne ako.

"Pero nung nalaman ko na show 'to ni Barbie na top star ng GMA and primetime pa tapos best friend pa ni Derrick, sabi ko why not, di ba?

"Saka nag enjoy naman ako sa dating serye ko, yung With A Smile.

"Tapos natutuwa din ako kasi naisip nila ako na isama sa show.

"Iba kasi yung feeling na inoffer sa 'yo yung role at hindi ko na kailangang mag-audition pa.

"Siguro may nakita sila sa akin sa character ko, kaya natuwa talaga ako kaya tinanggap ko na."

After Inday, mananatili ba siya sa Pilipinas to wait for another project?

"To wait po siguro hindi, pag walang project babalik muna ako ng Melbourne.

"Pero kung before po matapos yung Inday at may project I will stay. Pero hindi rin po kasi yung maghihintay siguro.

"Okay naman kasi ako sa pagba blog at kumikita rin ako kaya babalik ako ng Australia.

"Pero pag may project mag stay ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro mag-kontrabida, game ako diyan para maiba maman.

"Kahit single dad o may sakit, yung kakaiba, yung malayo naman sa personality ko.

"Kasi nae-excite po ako if malayo sa akin yung role na gagampanan ko."

Kamusta na ang love life niya?

"Happy po ako na walang lovelife, naghihintay na lang kasi po nag try ako na mag date tapos malalaman ko may boyfriend pala.

"Yung iba naman malalaman ko parang na eexcite lang, parang di ko na makita yung point na naghahanap ako.

"Dumating na lang siya, naniniwala ako na may taong darating sa 'yo hindi mo kailangang hanapin."

Papano pag type mo hindi ka gagawa ng move?

"Mas maganda kasi na makilala niyo muna yung isa't isa.

"Hindi yung parang ipu-push mo na agad, siyempre kailangang kilalanin mo muna siya at kilalanin ka rin niya.

"Then eventually malalaman niyo if compatible talaga kayo."

Ikaw ba anong gusto mo: Pinoy or foreigner?

"Since tumira ako sa ibang bansa mas gusto ko pa rin Pinay.

"Napatunayan ko na mas okay pa rin ang kalahi mo, kasi nagka girlfriend ako doon ng Pinay.

"Pero nagkaroon ako ng best friend na hindi Pinay na kamuntik-mutikan na maging kami kaso nagka problema kami sa family niya.

"Kapag may mga okasyon i feel out of place. Pero pag Pinay ang girlfriend mo kasundo mo sa lahat ng bagay, saka nagkakaintindihan kayo kasi parehas kayong Pinoy."

Ano ba ang qualities ng girl na gusto mo?

"Wala. Hindi naman ako mapili basta simple lang saka close sa family.

"Okay lang kahit saka basta mahal ako.

"Pero sa ngayon waiting lang ako ng para sa akin, ako naman always open sa possibility na magkaroon ng karelasyon.

"I'm ready to mingle dahil single na single naman ako.

"Pero happy naman ako kahit single, hindi naman kailangan ng love life para maging masaya," pagtatapos ni Kimpoy na nakilala

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN